FW: To all Scholasticans (SSAM)

(Margie’s Note: I got this from my mail, posted on the SSAM yahoogroup. Siguro naman kilalang kilala na ng batch natin si Mrs Dayag, pero konti lang ata ang nakakaalam na nagturo rin sa St Scho si Mr Dayag. Sabi ng ate ko magaling daw na teacher si Sir Dayag, umalis lang siya sa school after he and Mrs Dayag got married. Read on.)

mr. sander dayag is the husband of mrs. jill dayag, HS teacher from st.scho marikina. they really need our help, whether through prayers or finances. here is a message from my friend, mr. dayag’s former co-faculty, for you to better understand their situation:

I visited Sir Dayag in Quirino Medical (along Blue Ridge) last Saturday morning. I didn’t know what to expect till I got to see him in the Surgical ICU of the hospital, good thing I was allowed entry. He was conscious and responding, but was jaundiced. He had tubes in his nose and mouth, connected to a mechanical ventilator and another machine (for his vital stats). A former co-teacher told me, marami na siyang hiwa sa tiyan dahil naka-tatlo na siyang operation in just a span of 3 weeks! He was supposed to have a simple gall stone surgery. But complications from his first oepration led to a second and a third. He lost so much weight, and lost his vibrance. You know how Sir Sander was — kalog, makulit, bibo. I was so shocked to have seem him in that condition — thin, weak, struggling to breath, very uncomfortable, and in pain. I overheard the doctors talking to his wife, saying that they could not increase his pain medications anymore since it was
crucial for him to stay awake and alert. I saw him curling his toes under the sheets and restlessly bending up his knees and lowering them… he couldn’t speak a word because of all the tubes… but just from the looks of him, I knew he was in pain. When I came near his bedside, I told him, “Magpakalakas ka ha? Lumaban ka!,” he looked straight into my eyes and gave me the saddest stare and gently nodded. I got teary-eyed. Quietly, I told myself — Bakit ka nagkaganyan, Kuya Sander. Gall stones lang naman… what did the doctors do wrong? And why do you have to pay the price this way? He did not say anything, but his eyes said everything — HE NEEDS OUR HELP. HE NEEDS ALL OUR PRAYERS, MASS OFFERINGS, AND ALSO FINANCIAL ASSISTANCE. His health insurance can no longer cover his medical expenses.

In this regard, I wish to solicit your help! Please tell your friends about this. You may forward this message if you wish.

Here’s my plan: Try to gather as much donations from your batchmates/ friends by Friday or Saturday this week (Aug 7 or 8). Then if you can meet me, perhaps at McDo Katipunan in the afternoon or evening so we can pool our resources together. Or if you can’t come, send a representative who can. Welcome any amount! But perhaps, you can ask your classmates who are already working to give back a little more. It’s the least we could do for a teacher and friend who gave us so much of himself. Please note down all the names and sections/batches of your donors. We can collate them into one big donation.

Let me know how it goes. THANK YOU, Sheri, for your altruism and generosity!

Yours,
Yumi
03-Aug-2009
5:55pm

***if there is anybody willing to share any amount, feel free to contact me***
sheri anne zerna
ssam GS batch 1996
ssam guidance department, 2004-2007

High School Life, Oh My High School Life.. :P

Hindi sakin galing tong survey kaya wag niyo ko sisihin sa spelling. Haha.
Calling all SSAM alumnae, may homecoming meeting (in preparation for our school’s 50th foundation day) this SATURDAY, APRIL 12 2008. Dahil nasa Bicol ako ngayon at hindi makakapunta, ito na lang ang gagawin ko. Haha.

anong skul m nung HS?!
>   St Scholastica’s Academy, Marikina

anong batch mo?
>   2005

ilang years k d2?
>   Since prep? So.. 11 years

miss mo b skul m?
>   Oo naman. Kaya nga sinasagutan ko itong survey. 😀

anong miss mo?
>   Yung feeling na yun lang yung mundo mo for most of your formative years. Haha.

anong fave food m s canteen nyo?
>    Food ba yung iced tea? X.x Yun yung lagi kong binibili kasi may baon naman ako. Pero nung hindi na ko nagbabaon, nakahiligan ko yung tocilog.. Hehe.

unforgettable food?
>   Ang kulit. See above.

fave subj.?
>   Batukan na ko kung batukan. Math! 😀

fave teacher?
>   Teachers! Miss Motas, Sir Pascual, Sir Odie (Dadioh!)

unforgettable teacher?
>    Si Sir Pasky na siguro.. (Is he.. gay? just wondering..)

fave/unforgettable grade/year?
>   Fourth year siyempre. Go Angelans!

fave club?
>   Art Club 😀

fave/unforgettable sections?
>    Mga section ko: I – St. Bernadette (Ms. Motas), II – St. Anne (Mrs. Tingson), III – St. Ottilia (Mrs. de la Pena), IV – St. Angela Merici (Dadioh)

fave/unforgettable event?
>   Retreat and Field Trip nung fourth year. Mga bonding sessions with my friends. Tambay sa kung saan saan (HS field sa may Gate 7, canteen, lib..)

what do you want bout ur skul?
>    Values formation.. Weird ba? Pero matitino naman tayo diba? DIBA?? Hahaha

anong meron kau n wla s iba?
>    HINGALANGIN (kung hindi mo alam yun.. hahaha.)

balak mo bng bumalik s HS skul m?
>     Onaman. Kaso di pwede this saturday.. sa 50th na lang! Hehehe. Pa-update naman.

kng uulitin ang buhay m,d2 k pa rin b
mag-aaral?
>    I can’t imagine studying anywhere else. Seriously. Kahit walang guys (di naman kelangan eh! hahaha) at walang masyadong extra-curriculars nung panahon namin (samin lang ata nangyari na nasuspend ang dance dahil sa TERRORISM nyahaha totoo ba to), masaya pa rin.

*Alam niyo bang binago na raw ang lyrics ng school hymn natin?? Sabi sa SSAM yahoogroup. Haha naalala ko ang taas ng tono sa may bandang parteng ito.

*let these HALLS ring in accents bright
let these HALLS ring in accents bright
RING OUT HER GLORY AND HER NAME.

*we stand here and salute thee, alma mater, alma mater
WE CARRY FORTH YOUR VISION AND YOUR AIMS
YOUR NOBLE AIMS.

😀

Fastest 80 pesos loss in my life so far.

Bago ko ipaliwanag ang title…

Things I did today

1. Bio 102 exam sa IB– ho hum.. wala naman akong masabi except masyadong maraming shark stations. Diba? Hmph! Late pa nakasimula yung exam. Alam mo yung feeling na paulit ulit mo na siyang inaral tapos nakakatamad na tapos pagdating ng exam parang wala ka nang naalala/ walang kuneksyon ang inaral mo sa tinatanong sa exam? Parang ganun..

2. Lunch sa Jollibee Philcoa – yey. Masaya.

3. CRAdLe Outreach sa may day care center sa Barangay UP Campus – nagsilbing induction ko into the org. Masayang makahalubilo muli sa mga bata. Sobra. Kahit pasaway sila, or maingay or magulo, isang yakap lang solb na. Haaay 🙂 Member na ko ng CRAdLe!!

4. Adventure sa Kamuning – kasama ko sina (kuya?) ej at (kuya??!) marlon. Napatunayan ko sa sarili ko na mas tsismoso ang guys sa girls. Hahaha! Pero nakisali na rin ako sa pakikipagtsismisan. Ang saya nila kasama papunta sa place lalo na nung nag-detour sa Red Ribbon (sumilip lang), Goldilocks (bumili ng 16 Choco Rhumble. -OMG sa kakaulit kong pagsabi ng choco rhumble since this afternoon saka ko lang nagets kung bakit siya Choco Rhumble! Kasi may Rhum! 😄 ang stuuuupid-), at yung malapit na ukay-ukay (tumingin kung merong overcoat na pang guy na pwedeng gamitin pang creative shot ni marlon sa yearbook kaso wala eh).

5. Joint bday blowout nina jb at Edwin sa bahay ni jb sa Kamuning – Ayos! Debut nila pareho. Hahahaha. Sa wakas nakita ko na rin si Danika (tama ba spelling), Robbie, Edwin, at Krisha. Nakita ko uli sina Ogan, Miguel, at James. Patawa ang agarang pagdating ni Omar (dapat nag head dress ka! haha). Maraming food (20 in pizza!!!) at masaya naman ang buong event. Kaso I had to leave early kasi..

6. UP EuFAIRia sa UP Sunken Garden – maraming salamat kay Aidz sa matiyagang pagpila for me and Jom. Haha. Mga ilang oras na ata siya nakapila. Nung nakabalik na kong UP there was literally an ocean of people sa may entrance part. Whoa! Andami talagang tao. Last day na kasi. Although sabi ni marlon libre na ang entrance sa last day, 80 pesos pa rin binayad ko for my ticket. Haha. Buti na lang nakita ko si Jom in spite of all the people. (text text “Dito ako sa may orange na voks” “Nasa kalsada ba yung voks?” “Ay umalis na” haha)

    Pagkakita ko kay Jom narealize ko na mahabang mahaba na talaga yung pila. At lumabas ang mean powers ko! Haha. Nagcut kami sa pila!! Haha! Bad bad bad. Di naman kasi nakatingin yung magkakabarkadang nakapila nung nagkaron ng space sa harap nila. Hehe. Nakisingit kami discreetly. Buti naman di sila nagalit.
   
    Nung nakita ko na si Aidz (nakapasok na siya tapos lumabas ulit to meet us) nagtataka siya kung pano kami nakasingit. hehe. After mga 15 minutes of lining up nakapasok na kami at naka-meet up sina Darryl at Maral na kumakain na sa may field malapit sa Ferris Wheel. It was nice seeing both of them again.

    Wala pang 5 minutes na pagupo ko sa field tinawagan na ko ni Dad sabi umuwi na raw ako (nasa Bicol siya ah). Kamusta naman… Di ko naikot yung mga food stalls (although busog na ko) di ko nakita yung banda (well, hindi ko habol yun), at hindi ako nakapagFerris Wheel (HUHUHU promise ito talaga habol ko…) pinauwi na ko! Late na kasi. Hmph ang eighty pesos kooooooo

    Di bale, nagpaiwan na lang si Aidz (hero kita talaga ngayon kasi pumila ka for us) sa fair kasi may mga kasama siya. Nagtaxi na lang kami nina Darryl, Jom, at Maral kasi lahat naman kami sa may bandang Concepcion dadaan. At pinag-usapan namin ang lovelife ni Darryl pauwi. Pagdating sa Tropical (nakauwi na si Maral) hinintay ko si Mum na sunduin ako. Sinamahan naman ako nina Darryl at Jom maghintay. Hahaha. Rubik’s Cube naman ang topic. Hahaha. Nung nasundo na ko naglakad na lang si Jom pauwi at nagjeep si Darryl. 😀

Busy Saturday pero masaya. Haaay. Review ulit bukas! Este mamaya.