If you see me PADYAK-ing down the street…

Unang-una sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa mga taong nakatulong upang mabiyayaan (naks.) ako ng pagkakataong makagamit ng bisikleta nang libre ngayong summer:

  1. ang mahal kong UP CRAdLe na nagsetup ng application booth sa likod ng Pav4
  2. si jb na nakapansin ng maraming bike sa may likod ng Pav4, at nagtanong sa isang may-ari ng bike kung bakit maraming bike na cute dun
  3. ang may ari ng bike na nagsabing pinahiram ng UPM ang bike na gamit niya at maglog-in sa padyak.org para magregister ng free bike
  4. at si sir jojo gutierrez (with ma’am gutierrez) na nagsilbing contact ko sa UPM at ang nagbigay ng Padyak upang aking magamit ngayong summer.

Ang ganda ng concept no? The UPM (UP Mountaineers) thought of a way to celebrate their organization’s anniversary by lending out bicycles for free this summer as a test run for their all-out launch this coming schoolyear. As I said, I’m lucky to be one of their test dummies. hahaha.
 
Ang saya ko nung nakakuha ako ng bike kasi haggard ang sked ko this summer. Two hours of physics lab sa NIP at PI100 sa AS right after. Ang layo kaya nun! Try mo takbuhin? Wag na. Nung mga unang araw naglalakad pa ako sa math tapos sasakay ng Ikot papuntang AS. Ibig sabihin, sa bawat araw, nakakasayang ako ng ~5 minutes sa paglakad at ~3 minutes at P6.50 sa jeep. Magbabike na lang ako no!

Nang simula kong gamitin ang padyak.. (Hindi ko na binigyan ng nickname yung bike, baka masyado akong maattach.. alam niyo na..) sa totoo lang parang ginanahan ako pumasok. Haha! Ang init kasi mag-commute, kahit 9am pa lang, at pagdating sa UP maglalakad pa hanggang NIP. Pero ngayon, pupunta lang ako sa AS, kukunin ang bike (na binabantayan ni manong guard sa CASAA side) at magpapadyak.

Siyempre, hindi pwedeng mangarera sa mga jeep at mga sasakyan. Sa gilid lang ako dumadaan. Pero nalalampasan ko yung mga jeep kasi tigil sila nang tigil. Yey! Galing AS, nakakarating ako sa NIP in ~3 min na rin. Not bad at all. Mabilis na, mahangin pa! Pagdating ko sa NIP, ipa-park ko lang yung bike sa tabi ng poste at ila-lock. Ayos na!

Hindi na madugo ang pagbalik ko sa AS mula NIP dahil sa bisikleta na to. Tipid na ko sa pamasahe dahil hindi na ko sumasakay ng Ikot. Hehehe. Maaabutan ko pang pumasok ng classroom si Señor bago magPI. 😀

(Si Jopi pala yan, nakigaya, este, nag-apply din magPadyak.)

Sa tingin ko talaga, magiging successful ang bike project na ito. Napakalawak naman ng UP at maganda ang daanan. Pwedeng-pwede ang bisikleta lalo na ngayong may bike lane na.

Sir Jojo, ito po pala ang aking mga feedback na sana’y makatulong sa pag-launch ng project:

  • Mas safe po talaga ang may bike lane lalo na para sa mga hindi pa gaanong magaling magbisikleta.
  • Ok rin pong magdesignate ng iba pang lugar na pwedeng pang-overnight ng mga bikes, hindi lang po sa AS. Sa IB (institute of biology) po kasi, may guard din po kahit gabi, kaya pwede rin po nilang bantayan ang mga bike (na pwede po ipasok temporarily sa loob ng building).
  • Mas lalo pong magiging ok kung may bike racks sa mga main building ng UP, para po hindi nakakaharang ang mga bikes sa wheelchair ramp (sabi po ng guard sa AS kasi, madalas po daanan ang ramp na iyon) o kaya sa mga poste..
  • Baka po hindi na ako makapagreserve this coming schoolyear, dahil 4th year na po ako nun at lahat po ng subjects ko nasa IB lang, hindi masusulit ang pagbike. Mas magiging useful po ang bike system para po sa mga lower batches (freshies, etc..) na kalat ang klase sa iba’t ibang sulok ng campus (e.g. math 1 sa math building, pe 2 sa gym, english 1 sa CAL..). Mas maganda rin pong i-prioritize ang mga dormers na freshies dahil siguradong mamamaximize ang paggamit ng bike. Hmm.. what if magsimula po kayo sa Kalay Dorm? 😀
  • Thank you po ulit sa bike! Sigurado pong magiging successful ang Padyak Project 😀

Really Quick Blog Post Before Another Session

(kailangan na kasing maghanda para sa isa na namang nagbabagang edisyon ng review. :P)

Alas tres ata ng hapon kahapon kami pumunta ni jopi sa celeb(rity place) para magpaturo ng swimming kina chimoms at kester. Muntikan na nga kaming mawala dahil hindi ko alam kung saang tricycle sasakay along balara. Yun pala, yung sinakyan din ni jopi na tricycle papuntang balara (from commonwealth) yung sinakyan namin papuntang celeb. Haha. Sayang pamasahe!

Sinalubong kami ni Chimoms at Kester sa may gate. First time ko makapunta sa place na yun (parang sports complex na sosyal) kaya whoa tingin ako nang tingin kung saan-saan. Okay naman. Malaki yung pool tapos may kiddie pool pa (“Sa kiddie pool na lang ako, Chimoms!”) na may mga magandang slide.

Bakit ba kami napadpad ni jopi sa lugar na iyon? Dala ng aming 116.1 subject (ang pinakamatrabahong 2 units sa buhay-kolehiyo ko), kailangan naming matutong lumangoy para pagdating sa fieldwork natulak kami sa tubig walang mangyayaring masama samin. Tapos balak ko pa mag 161. So imperative na matutunan kong lumangoy. Hindi ako marunong magswimming kasi walang nagturo sakin. Well, tinuruan ako ni ate at mum pero hindi rin naman sila naturuan so parang ‘blind leading the blind’ rin.

Dahil na rin sa 116.1 medyo nag-aalangan akong lumusong sa pool kasi diba ang daming flora and fauna na lumalanding sa pool at nagtha-thrive?? Yung mga worms na parasitic, protozoans, and all that?? Tapos yung mga nakakalunok ng tubig?? X_x

Nakasabay pala namin si Rich at Nina at Marv na mga aplikante ng MBS (marine bio society ba?) Pool session Zero daw before pool session one. Kami ni jopi, pool session negative nine. 😛

Hindi naman ganun kalala ang naging karanasan ko sa pool. Masaya nga eh. Ang daming gustong mag-impart ng kanilang swimming knowledge sayo.

Chimoms: Hmm.. kapag napapagod ka na mag-bubbles ka
Marvyn: Ano marj, patingin nga ng freestyle! (x10 times)
Kester: What if mag doggie paddle muna sila bago matuto ng treading?

Ay ay ay! Quotable quote kay Nina na natawa ako sobra:

What’s “tihaya”?

Kung kilala ko rin yung ibang miyembro ng MBS siguradong marami pa kong swimming instructors. Hahaha. Sa tingin ko naman nag-improve ako. Si jopi, sabi ni marv, ay natural swimmer daw (naks). Ako normal. 😀 That’ll do. I’m human, not a fish. So there. Pero floater daw ako at sinker si jops. Hehe. Gabi na ko nakauwi kaya tinamad na kong gumawa ng kahit ano. Ni manual ng review di ko ginalaw.

Sa review kaya ako magaral ng physics? Puwedey.