Nakita ko na!

LET’S MAKE CHILDREN…

Habang nagmimiryenda ng siomai sa FA, inabangan namin ni eejay at jb ang ikot jeep na may dala ng tarp ng CRAdLe. Pagkatapos ng mga lima (?) o anim na jeep dumaan si special ikot jeep at naka naman ang ganda ng tarp hahaha. Eye-catching at thought provoking. Kung hindi ka CRAdLe member mapapaisip ka kung mahalay talaga yung jeepney driver hahaha. Nakasulat lang kasi sa tarp text art ng “Let’s make children…” Yun yung tagline ng advocacy campaign ng org. Pero not really procreating ah. Promoting the rights of a child. 🙂

Let’s make children.. happy! Let’s make children ..have a nurturing family! (mga ganun)

🙂

Fastest 80 pesos loss in my life so far.

Bago ko ipaliwanag ang title…

Things I did today

1. Bio 102 exam sa IB– ho hum.. wala naman akong masabi except masyadong maraming shark stations. Diba? Hmph! Late pa nakasimula yung exam. Alam mo yung feeling na paulit ulit mo na siyang inaral tapos nakakatamad na tapos pagdating ng exam parang wala ka nang naalala/ walang kuneksyon ang inaral mo sa tinatanong sa exam? Parang ganun..

2. Lunch sa Jollibee Philcoa – yey. Masaya.

3. CRAdLe Outreach sa may day care center sa Barangay UP Campus – nagsilbing induction ko into the org. Masayang makahalubilo muli sa mga bata. Sobra. Kahit pasaway sila, or maingay or magulo, isang yakap lang solb na. Haaay 🙂 Member na ko ng CRAdLe!!

4. Adventure sa Kamuning – kasama ko sina (kuya?) ej at (kuya??!) marlon. Napatunayan ko sa sarili ko na mas tsismoso ang guys sa girls. Hahaha! Pero nakisali na rin ako sa pakikipagtsismisan. Ang saya nila kasama papunta sa place lalo na nung nag-detour sa Red Ribbon (sumilip lang), Goldilocks (bumili ng 16 Choco Rhumble. -OMG sa kakaulit kong pagsabi ng choco rhumble since this afternoon saka ko lang nagets kung bakit siya Choco Rhumble! Kasi may Rhum! XD ang stuuuupid-), at yung malapit na ukay-ukay (tumingin kung merong overcoat na pang guy na pwedeng gamitin pang creative shot ni marlon sa yearbook kaso wala eh).

5. Joint bday blowout nina jb at Edwin sa bahay ni jb sa Kamuning – Ayos! Debut nila pareho. Hahahaha. Sa wakas nakita ko na rin si Danika (tama ba spelling), Robbie, Edwin, at Krisha. Nakita ko uli sina Ogan, Miguel, at James. Patawa ang agarang pagdating ni Omar (dapat nag head dress ka! haha). Maraming food (20 in pizza!!!) at masaya naman ang buong event. Kaso I had to leave early kasi..

6. UP EuFAIRia sa UP Sunken Garden – maraming salamat kay Aidz sa matiyagang pagpila for me and Jom. Haha. Mga ilang oras na ata siya nakapila. Nung nakabalik na kong UP there was literally an ocean of people sa may entrance part. Whoa! Andami talagang tao. Last day na kasi. Although sabi ni marlon libre na ang entrance sa last day, 80 pesos pa rin binayad ko for my ticket. Haha. Buti na lang nakita ko si Jom in spite of all the people. (text text “Dito ako sa may orange na voks” “Nasa kalsada ba yung voks?” “Ay umalis na” haha)

    Pagkakita ko kay Jom narealize ko na mahabang mahaba na talaga yung pila. At lumabas ang mean powers ko! Haha. Nagcut kami sa pila!! Haha! Bad bad bad. Di naman kasi nakatingin yung magkakabarkadang nakapila nung nagkaron ng space sa harap nila. Hehe. Nakisingit kami discreetly. Buti naman di sila nagalit.
   
    Nung nakita ko na si Aidz (nakapasok na siya tapos lumabas ulit to meet us) nagtataka siya kung pano kami nakasingit. hehe. After mga 15 minutes of lining up nakapasok na kami at naka-meet up sina Darryl at Maral na kumakain na sa may field malapit sa Ferris Wheel. It was nice seeing both of them again.

    Wala pang 5 minutes na pagupo ko sa field tinawagan na ko ni Dad sabi umuwi na raw ako (nasa Bicol siya ah). Kamusta naman… Di ko naikot yung mga food stalls (although busog na ko) di ko nakita yung banda (well, hindi ko habol yun), at hindi ako nakapagFerris Wheel (HUHUHU promise ito talaga habol ko…) pinauwi na ko! Late na kasi. Hmph ang eighty pesos kooooooo

    Di bale, nagpaiwan na lang si Aidz (hero kita talaga ngayon kasi pumila ka for us) sa fair kasi may mga kasama siya. Nagtaxi na lang kami nina Darryl, Jom, at Maral kasi lahat naman kami sa may bandang Concepcion dadaan. At pinag-usapan namin ang lovelife ni Darryl pauwi. Pagdating sa Tropical (nakauwi na si Maral) hinintay ko si Mum na sunduin ako. Sinamahan naman ako nina Darryl at Jom maghintay. Hahaha. Rubik’s Cube naman ang topic. Hahaha. Nung nasundo na ko naglakad na lang si Jom pauwi at nagjeep si Darryl. 😀

Busy Saturday pero masaya. Haaay. Review ulit bukas! Este mamaya.