What happened to my elective bucket list

image

finish blog and report – 50%
go to Bicol
go to Baguio
Angelans Christmas Party
Biodil Reunion? – never materialized haha
2014 Christmas Party
Mu Caroling 2012 – sched did not jive
Interview
Climb a mountain – but I did caving and hiking and kayaking and snorkeling for a bit
Practice driving
Exercise/Jog
blog more
decorate the house for the holidays
help Nic with grad prep
linis sa Grand – maybe this weekend
gift for parents – does preparing Noche Buena and Media Noche count??

The Halloween/Christmas Tree

I promised my family I’d be the one decorating our tree this season, and this year we replaced our years-old dilapidated tree with an exact replica. Haha! I wanted the color combo to be orange and silver and it turned out quite nice.

image

image

I also wanted to make use of the old Christmas balls (green) so I decorated Dad’s live pine-like tree at the back of the house.

image

Hehe

Spare Time

Β 

There are so much things to say and now I find the best opportunity to do so. πŸ™‚

—————

TRP

Nakapanood ka ba ng TRP nung Friday? Opening number ang class namin! Ang bongga ng naconceptualize ni Nico for a world-class performance. Ang bongga ng kinalabasan! Bagay na bagay sa bonggang bonggang stage design ng MSS. Good job 2014!

Kami ni Ado ang inatasan ni Nico na gumawa ng steps for the Americas segment. Dahil wala naman kaming funding sa props at costumes, dinaan na talaga namin sa talent. HAHA! Ivan, Dalvie, Jopi, Aeron, Jay E, Karl, Mau, Scott, Tonch, JPang, Edge, Ado.. kayo na ang tumatiming sa “tan-tan-HEEEY” at napakembot ang (dating) semi-immobile hips! Faye, AA, Nic, Moms, Shayne, Jesh, Jna, Alex, Roni, Angel, Zie…ang mga girls na di ko alam ang pinaghuhugutan ng energy sa bawat rehearsal, salamat sa dedication! Good job, Americans! Sa uulitin. πŸ™‚

Congratulations din sa class natin sa chorale competition! I truly believe we had the best song among the others. Ako na ang biased. Naiyak kaya ako nung unang kinanta sa class ng core group yung Isang Lagda.. siguro dahil nga nakakarelate ako sa lyrics. Go TRP song committee πŸ™‚

—————

ORAS

The past two weeks have been the busiest ones in my med life so far, and it’s not because of acads. I find it strange how we (med people) push ourselves to the limit -walang katapusang mga practice, arts and crafts, and other stuff – during TRP season just to show the audience that yes, tao rin pala tayo. For the past 36 years, mukhang nakukumbinsi naman sila. Haha.

For this year, I was in 4 segments – Opening, Chorale, MedRhythmics, and MSPS – and somehow I was able to manage practice sessions after class with 5-6, 6-7,7-9,9-11 skeds. Kaloka! Pero masaya naman. Pumayat daw ako ng onti sabi ng nanay ko. Nakagawa at nakabenta pa kami ng parols for the Pedia Ward. yehey! Buti naman kapag TRP season hindi mabigat ang acad load, mapapagkasya ang lahat. Time management ang solusyon sa mga problema.

——————

TANGIBLE

|| back massage || sariling makeup pang performances haha || tv sa unit? || shoes || cake ||

NON-TANGIBLE

|| surprises || old friends || new friends || alone time || heart-to-heart talk || eksena ||

——————

KANTA TAYO GUYS

People are People – D Sound

I am the one who believes in all that you say
I am the one who never wants to define herself
I am the one who’s parallel, upfront, behind
I am the one paddling like crazy through the night

Refine, old time, colourblind,
Big sign, do time, doesn’t rhyme
A lot, to much, standing tall
And I’m crying in the valley:
β€œI shall never, ever fall!”

People are people and I feel so strong
People are people and I’m going on

I am the one who stirs it up everytime
I am the one who never knows how close she is
I am the one who’d rather be dead than confess
I am the one trying to be good, wanting to be bad and so on

Excess, temptress, big mess
Phoney, lonely, it’s a test
Be still my heart, don’t you fail
And I’m crying on the stagefloor:
β€œI will always prevail!”

I’m going on…

——————

PARA SA YONG..

super galing mag-analyze ng mga bagay bagay. unang nagpakulot. tinatrato kong baby sister. tinatrato kong ate. masaya pag ineembrace ko siya. nagagaya ko na ang hand mannerisms sa pagbati. forever maayos ang hair. matiyagang magglitter. masyado masaya kaya pinapaalis ng kapitbahay. katangi-tanging nagpastraight. kinatatakutan ko dati. lumibot sa buong mundo except europe. dapat sininagan ng spotlight sa TRP. source ko ng tsismis. nakakatawa tingnan pag nagpapanic. forever prim and proper. buddy ko. magaling umakting bilang pusang gala. undecided pero decided na. semi-namesake ko. crush ata ng lahat. gumugulong gulong at nagpapakaslave for you. sana dati ko pa nakilala sa diliman.

wala lang. gusto ko lang kayo idescribe. hehe.

TNGWOT!

——————-

ACADS

OS 206: marunong ka na ba magpalpate? percuss? paturo.

IDC 211.1: ang tataba at ang kukyut ng mga rats namin! sosyal ang diet nila. may “cheeseburger”, “soda”, at may pahabol pang “yakult”. πŸ™‚

IDC 202: ethics petiks. just kidding! uy marami akong natututunan dito. haha.

——————

BioDil Friends I miss you! Let’s bond again soon. πŸ˜€

Β 

“Sa maybahay, ang aming bati..”

Naranasan mo bang mangaroling nung bata ka pa?

Naalala ko kasi, lagi naming ginagawa yan kasama ng mga kababata ko na ka-edad ko rin (more or less). Si Kim, Jamie (na boy, not girl :P), Carlo, Jeremy, Casey, Ivy, Ylleana… pati na rin yung ‘younger generation’ kasama si Ambe (my brother) and his posse (puro girls), madalas nagsisimulang mangaroling kapag simula na ng December.

Our typical jingle as soon as we reach each house would always go like this:

Sa maybahay ang aming bati
Meri krisMAS na maluwalhati
Ang pag-ibig ang siyang naghari
Araw araw ay MAGIGING PASKO LAGI!!
Ang sanhi PO ng pagpariTO
Hihingi PO ng aguinal-DO
Kung sakaling kami’y perwiSYO
Pasensya na kayo, kami’y namamasko(Walang pause)WEWISHU a Meri Krismas
We WISHU a Meri Krismas
We WISHU a Meri Krismas
En a hapi nuYIIIR
BAgo sumapit ang PASko
Namimili ang Mami KO
ng mga PANREGALO
parasaarawngPASKO!!!
At itong aking Dadi
gumagawa ng KRISMASTRI
sasabitan ko naman
ng mga laruan at mga KENDI

At this point, dapat may lalabas na ng bahay para magbigay ng barya samin. Dahil dun lang naman kami sa subdivision namin nangangaroling, at kilala naman kami ng mga tao dun, lagi kaming may nakukuhang aguinaldo. HAHAHA! (Bawal kami lumabas ng subdivision)

TEEEENkyu, TEEENkyu
Tenkyu beri much tenkyu!
OR
TEEEENkyu, TEEENkyu
Ambabait ninyo tenkyu!

Pero may mga pagkakataon din na may mga naubusan na ng pera, o tinatamad pumunta sa may pinto, o ayaw sa mga bata.. wala pa kami sa pangalawang linya ng kanta namin sasabihin na PATAWAAAAD! kaya naman sagot namin sa kanila

TEEEENkyu, TEEENkyu
AmBABARAT ninyo tenkyu!

Matatapos kami mangaroling ng mga 7-730 ng gabi. Nung mga panahong iyon, ayos na ang mga 60+ pesos na paghati-hatian namin para sa isang session ng pangangaroling. Siyempre, gagastusin agad namin sa tindahan ni Ate Divine (Ate Devine) ng chichiria at softdrinks.

Bakit nga ba kami nangangaroling nun?

1. Excuse yun para makalabas ng bahay sa gabi.
2. Makakalaro with kababata friends!
3. Magkapera!
4. Makakain ng chichiria and softdrinks with our money.
5. Para maisahan yung mga kalaban namin sa pangangaroling – yung mga outsiders na bata na nakatira sa labas ng subdivision! Inuunahan namin sila para samin mapunta yung pera. Patalbugan pa sa musical instruments. Sila tansan, kami real toy tambourine. Childhood yabang days. Hahahaha! Take that, losers! HAHAHA. ;P

Ngayong lumipat na kami ng subdivision at lumaki na kaming magkakaibigan, siyempre wala nang masyadong nangangaroling. Dito sa may tinitirahan namin ngayon bawal mangaroling ang kahit sino na hindi nagpapaalam sa presidente ng asosasyon. Kaya siguro minsan hindi ko maramdaman ang Christmas spirit dito.. walang makukulit na bata eh.

Marami ring rumaraket ngayong mga ‘grown-ups’ na nangangaroling tapos bibigyan ka na ng sobre kasi inaasahan nilang magbibigay ka.. Nakakawalang gana kaya bigyan yung mga ganun.. πŸ˜› Yung iba nga di na kumakanta eh! Yung kartero na nagdedeliver ng Reader’s Digest dito, namimigay lang ng sobre tapos kukunin na lang nya sa susunod pag may pera na. Ano ba yan!

:))

Christmas is for the children. πŸ™‚