(Supposedly) The Last Entry for 2009

(not really in order)
This yearΒ 
I’m glad I was able to finish
1. gathering handedness data from more than a thousand families
2. my thesis with the unorthodox topic haha
3. my bio degree!
4. first sem of med!
I’m happy I was able to start..
1. my life as a medical student
2. a relatively more independent life in manila
3. wearing contacts
I went to both new and familiar places
1. Cebu
2. Bohol
3. Albay
4. Batangas
I surprised myself by
1. daring to wear shorts for a dance number (first time promise!).. and another.. and another
2. trying out street, jazz, pinoy, jopazz.. :)) and appearing 4 times for TRP
3. signing up for a sorority haha
4. forcing myself to learn how to apply makeup on my own kasi kailangan. yes i’m that clueless haha
5. realizing i love dissecting cadavers
I’m thankful for these opportunities
1. participating in a medmish
2. volunteering for Ondoy relief ops
3. reaching out to PGH patients during the holidays
I feel blessed to have met, for the first time
1. upcm class 2014 (walang katapat!) πŸ˜€
2. org-mates and future org-mates πŸ˜€
I feel more blessed to have by my side
1. my family (kahit sa text lang, ayos na!)
2. my friends
3. my BFFs
siyempre si God πŸ™‚
2009 was my year of endings, beginnings, and amazing opportunities. It was a good year, and I thank Him with all my heart πŸ™‚
On to 2010 friends! Happy new year!

New Vision


So I’ve been eyeglasses-free (at least during daytime) for seven days now. Haha!

Yes, sa dami ng mga pangyayari sa med, ito na ang kelangan ko talaga i-blog.

Grade four ako ng simulang lumabo ang paningin ko. Tingin ko namana ko siya sa nanay at tatay ko. Progressive myopia /nearsightedness ang mayroon ako, at mabilis tumaas ang grado ko hanggang ngayon. 3.75 parehong mata. πŸ˜„

Ngayon ko lang naisipang magcontacts dahil

  1. Parang uso siya sa class. πŸ˜„ Or naaastigan lang ako kina Tin C at Anne at Mara na beterano na sa contacts. Cool nga yung may kulay eh. Hehe.
  2. LadyMed. Oo. Mahirap kasi magshades na may salamin. Hindi rin masyado threatening ang bad-ass Minaden backup dancer na may salamin. Tingin ko lang naman.
  3. Ayoko na magpakaalipin sa eyeglasses. Sa contacts naman para maiba.
  4. Super curious ako sa itsura ko na walang salamin. Siyempre dapat alam ko yun kasi inaalis ko naman yun bago matulog, pero kung ano man ang nakikita ko, malabo. Hehe.
  5. Super curious din ako sa magiging reaksyon ng mga taong sanay na sa four-eyed Margie. That includes my family. HAHA!


“Sigurado ka ba talagang gusto mo magcontacts?” sabi ni Ate last week, pero desidido na ko. Kaso ang hirap pala maglagay nun! Halos mawalan na ng pasensya yung ophtha sa kakaturo sakin ng tamang paglagay. Pero nung nasuot ko na pareho (finally), wow, iba talaga. Worth it.

Ang swerte ng mga taong perfect ang vision. Ang ganda ng mundo. πŸ™‚ Kapag naka-eyeglasses kasi, malinaw lang ang mga bagay na diretsong nasa harap ng mata mo. Pag naka-contacts, malinaw din ang periphery. So naaastigan talaga ako.

After ten years of wearing frames over my nose, siyempre andun pa rin yung mga mannerisms ko. Sometimes I still touch the bridge of my nose whenever I need to focus on something. Haha. At naninibago ako kapag umaambon, walang raindrops na gumagambala sa paningin ko. Haha! No more need to wipe. And finally, nakapagshades ako kagabi sa ladymed at nakita ko ang pinupuntahan ko. πŸ˜„

So how did they react? Well, si ate naninibago. Si mum and dad rin. Si ambe, ewan. Haha. Si glai at mae, hindi nahalatang nagcocontacts ako pagbalik ng manila (“Margie isuot mo na nga yung salamin mo, hindi ako sanay!!- Glai). Ayos naman daw sabi ng iba. Nakakapanibago, pero positive naman ang effect (nabawasan ang pagkanerd, nice eyes daw, etc etc). Salamat sa compliments!

Susulitin ko na tong contacts. 2 months ang itatagal nitong pair. Afterwards, tingnan natin kung itutuloy ko na. Should I?