New Vision


So I’ve been eyeglasses-free (at least during daytime) for seven days now. Haha!

Yes, sa dami ng mga pangyayari sa med, ito na ang kelangan ko talaga i-blog.

Grade four ako ng simulang lumabo ang paningin ko. Tingin ko namana ko siya sa nanay at tatay ko. Progressive myopia /nearsightedness ang mayroon ako, at mabilis tumaas ang grado ko hanggang ngayon. 3.75 parehong mata. XD

Ngayon ko lang naisipang magcontacts dahil

  1. Parang uso siya sa class. XD Or naaastigan lang ako kina Tin C at Anne at Mara na beterano na sa contacts. Cool nga yung may kulay eh. Hehe.
  2. LadyMed. Oo. Mahirap kasi magshades na may salamin. Hindi rin masyado threatening ang bad-ass Minaden backup dancer na may salamin. Tingin ko lang naman.
  3. Ayoko na magpakaalipin sa eyeglasses. Sa contacts naman para maiba.
  4. Super curious ako sa itsura ko na walang salamin. Siyempre dapat alam ko yun kasi inaalis ko naman yun bago matulog, pero kung ano man ang nakikita ko, malabo. Hehe.
  5. Super curious din ako sa magiging reaksyon ng mga taong sanay na sa four-eyed Margie. That includes my family. HAHA!


“Sigurado ka ba talagang gusto mo magcontacts?” sabi ni Ate last week, pero desidido na ko. Kaso ang hirap pala maglagay nun! Halos mawalan na ng pasensya yung ophtha sa kakaturo sakin ng tamang paglagay. Pero nung nasuot ko na pareho (finally), wow, iba talaga. Worth it.

Ang swerte ng mga taong perfect ang vision. Ang ganda ng mundo. 🙂 Kapag naka-eyeglasses kasi, malinaw lang ang mga bagay na diretsong nasa harap ng mata mo. Pag naka-contacts, malinaw din ang periphery. So naaastigan talaga ako.

After ten years of wearing frames over my nose, siyempre andun pa rin yung mga mannerisms ko. Sometimes I still touch the bridge of my nose whenever I need to focus on something. Haha. At naninibago ako kapag umaambon, walang raindrops na gumagambala sa paningin ko. Haha! No more need to wipe. And finally, nakapagshades ako kagabi sa ladymed at nakita ko ang pinupuntahan ko. XD

So how did they react? Well, si ate naninibago. Si mum and dad rin. Si ambe, ewan. Haha. Si glai at mae, hindi nahalatang nagcocontacts ako pagbalik ng manila (“Margie isuot mo na nga yung salamin mo, hindi ako sanay!!- Glai). Ayos naman daw sabi ng iba. Nakakapanibago, pero positive naman ang effect (nabawasan ang pagkanerd, nice eyes daw, etc etc). Salamat sa compliments!

Susulitin ko na tong contacts. 2 months ang itatagal nitong pair. Afterwards, tingnan natin kung itutuloy ko na. Should I?

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s