My Life in 25 Factoids

I tag.. mga taong may letter O sa full name nila!

Rules: Once you’ve been tagged, you are supposed to write a note with 25 random things, facts, habits, or goals about you. At the end choose 25 people to be tagged. You have to tag the person who tagged you. If I tagged you, it is because I want to know more about you.

(To do this, go to “notes” under tabs on you profile page, paste these instructions in the body of the note, type 25 random things, tag 25 people (in right corner of app) then click publish.)

  1. Nawalan ng maraming dugo yung nanay ko nung pinanganak ako kasi placenta previa baby ako. Yung placenta, wala sa may pwet ng baby, nasa may ulo.
  2. Sabi ni mum, sinigurado nilang mapanganak ako in the year of the blue dragon (1988) kasi swerte raw yun. So bago umalis si dad para magtrabaho abroad.. tadah, baby 2 XD kaso wala si dad nung pinanganak ako.
  3. Apparently, nung nagkaroon ng bagong baby sa pamilya (ako), inis to the max si ate, na unang apo sa mother’s side at pangalawa sa father’s side. Naging pareho ang date ng binyag ko at birthday niya, so malamang yung baby yung pinansin. Haha! May nanloko kay ate na “Uy, iuuwi na namin kapatid mo! Amin na lang!”. Umakyat daw ng bahay si ate, pagbalik dala yung baby stuff ko. Aba! Pinaaalis na nga ako!
  4. Three years old na ko nang nakita ko si dad for the first time, nung naisip na nyang lumagi na dito permanently. “Daddy” na raw agad ang tawag ko sa kanya, so tuwang tuwa siya. Kaso nalaman niya na bawat lalaki pala ang tawag ko nun daddy. Kakadepress no?
  5. Lumaki ako sa isang subdivision sa Marikina na maliit lang kaya halos lahat ng kapitbahay close sa isa’t isa. Kami-kami lang ang nag-iimbitahan pag may birthday party yung mga anak. Kahit on the day itself, kakatok lang sa bahay, “May paparty sina ****, papuntahin mo sina Gi dun dali” tapos magbibihis na kami at magpaparty.Nakatulong din na magkakaage group kaming mga bata, sabay sabay lumaki.
  6. Kung ano-anong trip ang ginagawa saming mag-ate ni mum nung bata kami pagdating sa “fashion”. Kahit 5 years ang agwat namin marami kaming parehong damit maski terno yan o sunday dress. Twins kami eh. Haha! Tapos gumagawa pa si mum ng mga ipit at barettes na uso nun, yung maraming ribbon.. The horror! The horror!
  7. Naaalala ko pa ang teacher at section ko sa Nursery! Pero mas naaalala ko pa yung araw araw na pagbilang ng 1-100 habang isa isang tinuturo ni Teacher yung mga number. Ang bagong kanta bawat araw. Ang pagtula ng Little Boy Blue sa harap ng klase. At pag uwian na, ang pag-naptime habang nilalagyan ka nila ng cologne at powder sa likod. Aww. Preschool spa! Di pala ako nagkinder, direcho Prep sa St Scho.
  8. Di tulad ng ate ko na ayaw magkaron ng baby sa bahay, tuwang tuwa ako nung nalaman kong magkakaroon ako ng baby brother. Everytime aalis ako ng bahay at maiiwan si mum, dapat ikikiss ko muna ung very pregnant tummy nya. Siguro dun nagsimula ang aking hilig sa mga bata. 🙂
  9. Bago ko pa maisip na maging doktor (high school) at kahit na bago ko pa maisip na maging preschool teacher (grade school), ang original dream ko ay maging… WAITRESS. Haha! Ako kasi tagatimpla ng kape ni daddy noon, tas he calls me his little waitress. I was very enthusiastic, minsan may kasama pang biskwit yung kape sa may saucer. Nakakatawa ngayon kasi hindi na nya ko mapatimpla ng kape na ganun ka-bilis. Bad girl.
  10. (Ang haba naman nitoooo)Grade school stuff naman.. Hmm. Nung prep ako, ang unang club na sinalihan ko ay Dance Club. Pinasayaw kami sa may platform. First time to experience rejection. HAHAHA.
  11. Pero hindi ko na-feel ang trauma.. kasi pagkalabas ko ng classroom ni-recruit ako ni Mrs. R sa Girl Scouts! Kaya ako naging Twinkler nung Prep. Hindi ko na maalala kung anong ginagawa dun eh. Alam ko lang dapat maayos lagi ang formation niyo tapos yung uniform may cap pa na parehong tela sa shorts.Tsaka yung hand symbol! Ano nga ba yun??
  12. Palakaibigan ako talaga pero siyempre dahil sa madaldal at taklesa ako noon, may mga kaklase akong napipikon sakin. HAHA. Si C noon niloloko ko nung Gr 1, tapos nung di na ko kinakausap, tinanong ko kung bakit. Sabi nya, “Di kita bati!” Whoaaah. Pero di naman lumalampas ng ilang araw yun. Kelangan ng kalaro e.
  13. In contrast to the previous item, iyakin ako nung grade school. Sabi nila maliit lang daw na problema iiyakan na. Haha! Pero ngayon hindi na.. I think. XD
  14. Matapos ang stint sa pagiging Girl Scout, isinali naman ako ni mum sa Children’s Choir (Glee Club ng grade school). Ito yung phase sa buhay ko na feeling ko, feeling ni mum na prodigy ako so kung saan saang activities ako pinasali. Kasama dito ang weekend piano lessons at ice skating sessions! Salamat nanay!XD
  15. By Grade 6 naisipan ko nang tumiwalag sa pagkanta at subukan ang ART. So drawing drawing mula Grade 6 to second year, tapos debate ng third year tapos environmental group nung fourth year. Meron pang mga guidance office clubs na by invitation only pero hindi naman yun interest ko so di ko siya imemention.
  16. (high school naman!) In terms of level of happiness, ang pinakamasayang time ko dun ay nung sa IV-St Angela, tapos II-St Anne, tapos III-St Ottilia tapos I-St Bernadette. Siguro hindi pa ko nakaadjust nung first year. Haha!Feeling ko inaapi ako. Joke! Sige, random memorable moment per year.. I – ang pagsundo ni R kay Ms B pag Filipino time na bilang parusa..(tanong nyo na lang kung ano.) II – ang pagganap ng isang prosti sa isang class presentation WOW III- ang paggawa ng isang life size mannequin/dummy/effigy ni Edgar Allan Poe with removable head IV- pagsabi ni Dadioh na “Ladies, how are you scientifically and mathematically?” (aka. may babagsak ba senyo sa math at science?)
  17. Narealize ko na kahit gano ako ka-tsismosa, hindi ko pa rin nahagilap ang mga pinaka-OMG! issues sa St Scho.Marami sa mga yun, this year ko lang nalaman. Kasi, aral nang aral masyado nung HS. :)) (Angelans, isa ulit na reunion! hahaha)
  18. NEVER ako nakaranas ng JS PROM, thanks to SSAM. Haha! Meron lang HS Dance. At isang beses lang yun, nung fourth year. Nakakatawa kasi date ko yung childhood friend ko. Pagpasok namin sa venue, “O, sige, kita kits na lang!” tapos hiwalay na kami ng landas. Pagkita namin ulit, may prospect na raw siya! Yung classmate ko! Sa dami dami ng tao dun yun pa ang nakita. :))
  19. (college) Dalawang school lang ang inapplyan ko for college (in contrast to 4 schools for med. gally) ang UP at AdMU. UPCAT lang ang nakuha ko kasi nung time na for the Ateneo test, naiwan ko sa locker ko sa school yung test permit ko. Haha! Absent! Pero natanggap pa rin ako sa Bio program nila because of AJSS. Thanks AJSS! 🙂 Pero honestly, hindi ko talaga nakita ang sarili ko bilang isang Atenean that time. Haha UP or bust?
  20. 1st Choice: UP Diliman 1. BS Biology 2. BS Psychology. 2nd choice: UP Manila 1. BS Biology 2. BS Public Health. Buti na lang hindi ako napuntang Psych! Una sa lahat, hindi ako familiar sa field na yan. Hindi ko rin makonek ang Psych sa Med. Gusto ko talaga ng Bio kasi enjoy na enjoy ko siya nung high school. Masaya ang mga lab classes pati field work! Gusto ko rin ang atmosphere sa IB kasi kami kami lang nagkakaintindihan sa bio jargon. “Hay PAS na naman ako..”
  21. Nung nag-iisip ako ng possibleng PE para sa first sem ko, si dad ang nagsabing Social Dance. Wala naman akong angal sa Ballroom, at least hindi siya as hardcore as basketball or kasing blah as walking for fitness (sorry sa matatamaan). Ayan tuloy, naenjoy ko magballroom. Ayan tuloy, napasali ng UP ODE (now UP DanceSport). Ayan tuloy, maraming nakilala.. ayan tuloy, may specific na taong nakabonding.. ehem. HAHAHA so si dad ang pasimuno diyan.
  22. Pwede kang mapunta sa TV news dahil sa katamaran. Haha! Nung summer kasi, ang layo ng NIP sa Physics kaya naisipan kong magrent ng bike. Guinea pigs pala kami nun! Ang saya magbike ng cute bike around campus. Nakatulong naman ang feedback namin sa pagpapalaunch ng Padyak, at nagkaron ng 15 minutes of fame kaming mga guinea pigs.. Go Padyak!
  23. Sa tingin ko naman nasulit ko ang pagiging isang tunay na Iska. Freshie concert umattend ako (first experience with JJs!). Lahat ng lantern parade pinuntahan. Ay, except nung 2nd year kasi 18th birthday party ko nun. Tsaka na-cancel yung Lantern nun diba? Sa TOFI ata. Nakaattend na rin ng UP Fair once every year (special mention yung Love.. RAAAAGE dahil sa JJs ulit). May UP shirt. Gusto ko pang umorder ng Siglo stuff kaso di ko natatiming-an. Gusto ko yung white hoodie jacket with green letters!
  24. I just turned 20 pero hindi pa rin ako pinapayagan mag-overnight! Bilang na bilang ang mga times na required akong mag-overnight! 1. Retreat ng IV-St. Angela. 2. Bio 116.1 Field work sa Grande Island, Subic, at 3. Bio 160 fieldwork sa Makiling. Ewan ko kung bakit! T____T
  25. (wala na kong maisip!!) I really wish I do well sa interview sa PGH tomorrow! Hindi ko alam kung paano magprepare! Wish me luck!


Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s