Eksenang Pang-inis (Oo, may donut ulit)

Napadaan ako sa Dunkin Donuts Concepcion kanina galing sa UP para makabili ng isang regular Icy Choco drink (masarap siya pramis, mura lang) tapos may matandang mama sa unahan ng pila na nang-haharass sa Donut Lady. Grabe!

  1. Matanda na siya, parang lolo, na mataba, may puting buhok at dala-dalang leather na parang lunch box (?)
  2. Umorder siya ng box ng 15 donuts. Gusto niya BAWAT DONUT pinabalot sa plastic (yung pang-individual orders) bago ilagay sa box. Sa tagal niya pumili dumami yung tao sa counter.
  3. Ang tagal niya talaga! Akala mo tapos na siya umorder tapos tinuro niya yung munchkins tapos “Ayan, yang mga yan, kuha mo ko nyan! Yang black! Pati orange! … Hindi yan sabi eh! Ano ba!” Donut Lady: “Ilan po sir?” Reply: “Yung pinakamarami niyo!” Yung tono nya sobrang nakakapang init ng ulo na. 
  4. Nilalagyan ng Donut Lady ng tape yung baba ng box ng Munchkins (standard procedure) tapos sabi nung mama “Ayoko niyang tape tape niyo, nahuhulog yung pagkain! Wala ba kayong liner diyan?!” Inutusan niya yung Donut Lady na lagyan ng plastic yung loob ng Munchkins box.
  5. Nung naglalagay na ng Munchkins yung Donut Lady, sabi nung mama “O, ano yang nilalagay mo?!” DL: “23 po nitong orange, 22 po nitong black” Mama: “Bakit?!” DL: “Para po 45” Mamang swanget: “Wag mo pisain yung mga yan!”.. Banas na banas na yung mama, pinapahiya pa yung DL.. “Pwede ba, wag ka ngang magdadabog!” @_@
  6. Yung mama: “O, magkano yang lahat?” Sinabi naman ni DL tapos magpapunch na sa register, tapos saka lang naisipan ng mama na ilabas yung senior citizen card niya. Nilabas niya sa wallet nya tapos nilagay sa counter na patapon sa Donut Lady. T_T

Nung nakalabas na yung mamang swanget, saka lumabas yung badtrip ni Donut Lady.. “Nakakainis naman yang baklang matandang yan!” Buti na lang hindi siya isang waitress sa restaurant na anytime pwedeng bahiran ng kung ano ano yung order mo pag bastos kang customer. He got away with his OC-ness and rudeness this time, but sooner or later it will catch up with him. Hay naku! Hindi porke’t kaya mong bilhin ang lahat ng benta ng Dunkin Donuts kaya mo nang mang-insulto ng tao no

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s