Emote-emote Daw sa Last Enrollment ng Last Sem ng Kolehiyo

Nakakatawa yung enlistment kanina ng mga graduating and freshie students sa Bio. Grabe! Outnumbered na nga kami ng mga freshie (150 something versus wala pang 60 samin), mukha pa kaming bata at gusgusin (HAHAHA) kung ikukumpara sa kanila. Ito ang epekto ng TOFI. Just kidding.

Dahil nga sa dami nila, kailangan sila unahin sa mga graduating students (aka kami) para matapos na sila sa araw na yun. Akala ko pa naman magbubukas ang langit or something kapag may big bold “Graduating” status na sa Form5A mo. Hahaha. Not quite, pero pwede na rin.

Wala naman akong problema sa pag enlist ng subjects. Una sa lahat, wala na kong GE (since last year pa ng 2nd sem) and PE ( since 2nd year) at PI 100 (summer), mga subjects na mahirap talagang hagilapin sa registration. Puro Bio subjects na lang. Buti na lang IB ang insti ko, napakaefficient mag enlist sayo, automatic, si sir F pa magkiclick click at may subjects ka na (Of course inayos na ni M’Roderos lahat yun even before mag-end ang previous sem).

The previous killer semester
(which turned out to be okay naman pala) with 18 units of 5 Bio subjects is now replaced with a sem with my remaining ten (yep, 10) units for BS Biology. Wow! Gally! Hahaha! Here’s my wonderful sked:

Schedule
Time Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sunday
07:30 AM-08:30 AM     BIO 150 WFQ/WFRU   BIO 150 WFQ/WFRU    
08:30 AM-11:30 AM     BIO 150 WFQ/WFRU   BIO 150 WFQ/WFRU    
11:30 AM-02:30 PM              
02:30 PM-04:00 PM     MS 102 WFX   MS 102 WFX    
04:00 PM-06:00 PM              
06:00 PM-07:00 PM         BIO 196 FO    

Bio 150 (lec and lab, 4 units) is cell biology, Bio 196 is a 1-unit undergrad seminar course, and Bio 200 (no definite sched) is 2 units for undergrad thesis.

Akala ko magkakaproblema ako sa BSE kasi puno na ang 119 (Icthyology) and 117 (Vertebrate Taxonomy) at di ko pwede isabay ang 151 (Immunobiology) sa 150 at hindi ko talaga (as in ayaw na ayaw na ayaw) gusto mag Bio 132 (Animal Dev Bio) after all the horror stories ng previous class. Hahaha.

Ang bait ni Sir F (Thesis adviser powers ba ito???)! Di nya ko nilagay sa 132, napadpad ako sa isa pang possible BSE na MS 102 (Marine Science ata.. basta yun). 3 units lang, no lab, at for sure may field trip! Hindi masyado field work. hahaha. Ang isang drawback lang… hehehe.. tanungin niyo na lang ako privately. 😛 (Clue! Something to do with Jopi’s very close girl friend).

Long long weekends, here I come (baka mapadalas ang punta ko ng Bicol).

Don’t worry, I think mapupunta pa rin ako sa school pag TTh, pwede ako makigulo sa 130! Sana payagan ni M’Erika. Hehehe.

Ituloy ang tradisyon ng Fitness Friday, ah! For sure makakasama na ko. 🙂

[Gosh narealize ko lang na wala na kong plant subjects! Whoaaaaa…. ]

Kailangan pa palang asikasuhin ang maraming bagay sa med school applications ko! Gosh! Transcript of records! Ganun ba talaga katagal yun iprocess?

Biglang andami ko na namang iniisip! Yay!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s