Back to my alma mater tomorrow! Excited. :D

Really long post, but it sums up my pre-college life hahaha. I can’t believe I’m doing my thesis there. Hahaha! Alumni powers ito.

Wish me luck for tomorrow’s demos!

A repost (italicized: sinulat ng original author. bold: with my comments) from the ssam groups:

KULASA KA KUNG ALAM MO TO!!
Kung hndi man kita kabtchm8, alam mo khit isa sa mga ito…

Mga halu-halong alaala mula prep hanggang hayskul sa tinubuang
paraalan ng
Santa Eskolastika.

Batch ko nga pla 1993-2004 (sobra ng 1 yr kc umulit ako gr.4

1. Bell ni Mrs. Pentocostes
Kadalasan to sa gradeskul, pag may narinig ka ng bell, alam mo na
parating na si Mrs. Pentecostes. Kya kung anu man ang ginagawa mo,
tumitgil ka para lng antayin ang pagdaan niya. –pinagalitan kami nun ni kristine mina, nina dela cruz, at jevic anjin cruel dahil nagbabatuhan kami ng mowed grass habang Angelus ng tanghali.

2. Ice candy
Ito ung kulay violet red na ice candy, iba lasa nito sa ordinaryong
ice candy na mbibili mo sa tindahan. Alam mong kumain ang isang tao
nito kapag namumula ang labi niya. 2 pesos ito nung grade 1 ako, nauubos ang 10 pesos allowance ko sa buong week. haha, nung grumadweyt ata ako, 5-6 pesos na siya.

3. Chits
Dalawa ang istasyong ng canteen noon, ung palitan ng chits at ung
mismong tindahan.
Hindi ka mkakabili ng khit anu pag wala kang chits sa canteen
Kadalasan trapik kc butal ang mga chits. 50c, 1, 2, 5, 10. hindi ko gets ang rationale ng chits system. buti hindi siya tumagal hanggang grade school.

4. Shake
Di pa uso nuon ang Shagoo at Zagu at di pa gnun ka ayos ang canteen
noon, may bilihan na ng masap sa shake. Un ung nkapwesto sa una
banding kaliwa. -i don’t remember

5. Mojos at Pizza
Eto ung dalawang pagkain na hndi nwala sa recess ng isang kulasa.
Sikat ka pa pag may hawak kang 1 box ng pizza. –konti lang allowance ko kasi baon girl ako. :)) kakainggit yung merong box ng pizza na semi-luto at walang toppings masyado. hahaha.

6. Ham Sandwich
Pag wala kang budget para kumain o pag may gagawin kayong project,
bibili nlng ng ham sandwich. -baon girl

7. Honey Bacon Cheese Burger
Ito na ata ang pinakamalinamnam na burger sa St. scho na natikman ko.
Ang hndi nkatikim nito, may namiss ka…ay alam ko to! super masarap nga.

8. BBQ sa gate 7
Dadi ng isang kulasa ang nagtitinda dito. Masarap kya ubos lagi ang
tinda, pwede pa mgpareserve bsta babalikan mo lng. – yep yep. ito ba yung sa red na tindahan? or yung tabi ng red na tindahan?

9. Candy braces at choki-choki
Hahaha… ito ung candy na may iba’t- ibang kulay na nilalagay sa
ipin para kunwari nkabraces ka at ung kausuhan ng choki-choki.
Pinabanned nga ata ng admin tong mga to kasi wala ng ginawa ang nga
kulasa kundi bumili ng mga ito. -binenta itong candy braces ng favorite stall ko nun sa canteen na puro unusual na candies yung binebenta. ayos kaya! neon pink, neon green, neon yellow.. bling bling for your ngipin :))

10. Old Music House
Sino ang di nkakaalam nito? Takot ako dito noon. May nkatira raw na
white lady dun at pag dumaan ka may maririnig kang tumutugtug ng
piano. -hindi na to old music house! renovated na ata siya or something. ganda. but it wasn’t years ago. hehe. haunted yan! :)) pinasok namin nung grade school, dismissal ata. ang creepy.

11. Marian Dress
Gradeskul days to naganap, nkadress dapat kc first Friday mass. Sa
araw na ito lahat ng mga gradeskul students mukang babae. May mga
pasaway nga lng, may ngmicro mini at nauso ung palda shorts. – gala outfit na ata ang pinapasuot sa kanila ngayon eh. pero naranasan ko to. pero wala akong nakitang naka micro mini at palda shorts. girly ang batch namin.

12. HS Building
Noong grade 6, atat lahat maghigh school kc natatanaw nila ung mga
ginagawa ng HS sa katabing building. Iba rin kc ang tiles ng HS sa GS. – siyempre kasi mas lumang building ang high school. haha!

13. Super Name Tag
Prep- grade 3 ang meron nito. Super lalaki ng font ng pangalan sa
nkasabit na name tag.
Ex. RAMILLE MARIA C. DELA PAZ
PREP-MASIPAG
GATE 7
MANONG ORLAN
13-RODRIGUEZ ST……
94122…..
Para silang mga wanted
enjoy ko tong paggawa ng nametag. hahaha. MARGARET ROSE C. BOCAYA, PREP-MATIYAGA, GATE 1

14. Name Tag
Ayaw gumawa ng name tag pag HS na. kc ayaw mtawag ng teacher. Pag
wala kang name tag kurdapya pangalan mo 4 d day. -totoo. haha! kahit pirasong papel na nakafold over the strap ayos na.

15. Stroller
Sino ang hndi ngstroller?! ?? Palakihan pa nga noon at ang uso may
lock na di susi pa. Tapos pag uwian na, Paunahan sa baba.-stroller ako from grade 2-3. may kilala akong ka-batch na nagsstroller pa rin ng grade 5. hehe. imagine ang ingay ng mga stroller pag bumababa down 3-4 flights of stairs.

16. Star Scout at Girl Scout
Marami ang ndi umaamin na nging scouts sila. Ewan ko ba. Siguro un
lng ang common na alam ng mga parents na club noon para sa mga babae. – hindi na ito ganun ka-popular nung 4th year ako.. aminin na natin. the whole GSP, mabibilang mo sa daliri mo. pero twinkler ako nung prep! kasi di ako natanggap sa dance club! XD

17. Eraser
Pagtitinginan ka ng ibang mga ktabing sections pag nrinig ung
pagpapagpag mo ng eraser sa labas. Minsan khit walang dust pagpag ka
pa ng pagpag, lalo na pg sinisilip mo ung mgiging kbonding mo
mamayang lunch. Un noh!! -haha. sa st scho lang ata (or meron din ata sa ateneo?) na may drawer sa corridor na pagpagan ng eraser. asteeg. nirerecycle siguro nila :))

18. Bonding
Hahahha… marami ang nag-asam ng “kabonding” sila ung mkikita mo na
lakad ng lakad paikot ikot pag lunch. May dalang pamaypay tas ung isa
may hawak na panyo, ewan ko ba, cguro napapgod din sila. Sila ung
mdalas na nagsisilipan pag nagpapagpag. nauso na sa HS ang U.B.E… hahaha. iba ata meaning ng bonding dito

19. Letter writing
Cympre bago bonding, magsusulatan muna. Pag nagkaayos na sa sked
bonding na. sila ung mkukulit sa umaga na pumupunta sa ibang section.-ka letter writing ko nun (gs) sina nin, jevs, mina, elaine, clang, (hs), mai, jevs, mariel, vladi, jo.

20. Drinking Fountain
Pag di mo na feel ung topic mag gogo- out ka para uminon sa drinking
fountain. Tas ang pupuntahan mo pa e ung pnkamalayo sa klsrum nyo
para stroll. diba bawal mag drinking fountain pag class hours? bawal nga kumain eh. pwede ka lang lumabas pag CR or ..

21. Clinic
Ano ba ang gamit ng clinic?!? Dun sa mga oscar winners sila ung
mkikita mong 2log na 2log sa clinic. Ung nga sawi may vicks sa
sentido ng ulo. Yeah!!!! -may mga kilala ako. :)) pero i’ve been sent there a few times (then pinauwi eventually) dahil sa fever.

22. Sports Bag
Uso to nung high school, pag meron kang gnito u’re in! ito ung bag na
usually circular tube ang korte. kadalasan Speedo o kya naman LA Gear
pag mayaman ka Nike o kya Adidas. -diba paliitan na ng bag nung HS? ibang generation ata ito.

23. Coleman
Kawawa ang mga nagddala ng coleman sa skul. Kc pag naisipan uminom ng
isa, ipapasa sa isa at mkikiinom na ang lahat. Minsan nga mamimili ka
pa ung may yelo pang coleman ang hhingan mo ng tubig.-yoko nga magdala nito ang bigat bigat.

24. Service
Pag sanay na driver nyo ok lng pero pg mainitin ang ulo try da next
one. Ito ung mga laspag sa service dahil sa mga umaangkas palabas ng
gate 7 para lng sa S’mall.– i had two service drivers, one from prep to grade 3 and one from grade 4 onwards. by the end of HS ayoko na magservice kasi lagi akong pinapagalitan kasi lagi akong wala raw.

25. Lover’s Lane
Dito mo mkikita nkaupo ang mga magkabonding. At pag dumaan si ms.
Jaymalin tatayo ang isa, para di halata dahil baka magka “issue sa
office”. -SAN TO???

26. Angelus
Hihinto ang lahat para magdasal. Alert ang mga Girls Scouts dito
dahil sila ang kukuha ng pangalan mo pag di ka huminto. -haha

27. Prayer room
Nung GS: tinatambayan ng iba para malamigan lalo na pag break. Nwala
rin ang aircon dito.
Hung HS: nakalock ito. -onga. ang ironic no.

28. Uniform
“Upong Kulasa”: ito ung pagnka-upo ka ung laylayan ng palda e nasa
hrapan lahat tas mjo nkabukaka pa. Astig raw kc tignan
“Loose Blouse”: marami ang na-office dahil dito. Ito ung imbis na
nkatali ung string sa harap, nakaribbon nlng sa likod, tapos pag
naglakad ka automatic ung pag labas ng blouse mo sa gilid na jumper. -hahaha. guilty ako sa pagbaba ng strap tapos ilalabas yung hem ng blouse tapos parang nakabuntot yung string sa likod tapos laro laro sa grounds

29. Shorts
Marami ang nagshoshorts noon. Uso kc, chka para pag nag “upong kulasa”
Di mkkita panty mo.-:))

30. Opener
Nung HS mauna-una ang labanan. Pag nauna ka ikaw ang mgbubukas ng
klsrum nyo. Kasama dito ang pagiging creative mo sa pagtatali ng
green na kurtina.. –GUILTY! early bird ako e.
Paayusan pa nga noon bawat rum, ung kadalasan e ung ayos na mjo may
kalaparan tas may plits sa gilid, at ung iba nkabuhol lng.

31. Mangga
Panghimagas: pwedeng manggang may asin o manggang may alamang. -naglalaway. haha.

32. Over night nung GS retreat
Kami ata ung pinakalast na nkapagover night noong grade 6 pag
retreat. Sori sa sumunod na batch, may nahulihan kc noon sa amin… aun
na un.-oo wala na kami nito. i know that story.

33. Cellphone
Nagdala kb ng fone? Nhulian kb? Saan mo tinago?
Ako, all my junior and senior yr ata may charger pa. -never nagdala, never nagtago.

34. Bloomers
Kumpleto St. Scho uniform mo pag nkapag bloomers ka pag- p.e.
Diba, batch ata namin ung huling may bloomers. At ang required ang
kalaban ng Havainas, white SPARTAN rubber shoes. –hahaha. jogging pants batch na kami.

35. Jogging Pants
Marami ang excite dito, kc noon 3rd at 4th lang ang nkakapag jogging
pants. -haha

36. Heart Strings
Hahaha… ang bag!! Kapanahunan namin nagsimula ang pagsusuot ng bag na
Heart strings. Kadalasan mga kikay ang may ganto, tapos ang design pa
e ung checkered.. Ako once lng ata nkapagsuot atleast bumili ako. -di ako bumili, di kasya gamit ko e

37. IMC
Di ka na kakain pag lunch, magdadala ka nlng ng sago sa IMC para
maglaro ng sungka, uno, at iba pang board games. At mangheram ng
recorded songs kay Kuya Jun.:)-haha tama!

38. Rubber Tree
Ito ung pinaka malaking puno sa St. Scho. Maraming kwento dito. May
lumalabas daw dito at marami ang nkatira.-tama, ako may kwento rin dito.

39.Niňa Maria
Pangalan ito ng isang hallway sa lumang prep klasrums papuntang gate
7.
Kung kulasa ka, kilala mo siya at alam mo kung ano ang storya nya.
Kwento ko? – i know! 😉

40. Lechon Kawali
Ang sikat na meal pag lunch, malutong kc ung balat… baon girl

41. Saba kong Yelo
Sino di nakakain nito, may namiss ka ulit…
Pag ito kinain mo, mag papadagdag ka ng tamis nito.
Kahit nga wala ng saging basta may katas, solb na..-saba con hielo. 😛 ayoko nito. sorreh

42. Mashed Potato with Cheese or with Ham?!?
10 lng may mashed pot kana diba… -ito gusto ko. haha. with ham, with ham!

43. Sprit of the…
Sino ang hndi nagtry nito??? Merong spirit of the glass, spirit of
the coin at khit may klase pwede kc, pati spirit of the ball pen
ginawa nyo na. -nakisali rin one time. 🙂

44. How old are you, 1, 2, 3….
Ito ang maririnig mo pagnaghuhulaan kayo ng kulay ng panty. Sisilip
pa tlaga sa palad para may mkitang “kulay”. -??

45. Laslas ng pulso
Di lahat nagtangka nito, pero may issue noon pag may laslas ang pulso
mo. Ung iba pa, may ukit pa ng mga numbers o kya mga initial ng kung
sino man….-no comment

46. Lindol
May iba’t- ibang kwento noong 2002 nung lumindol. Marami ang nagpanic
at marami ang nagsabi na may after shock pa. -naka-ilang lindol ata akong naexperience sa st scho e

47. Dividers
Cool ito!! Ito ung iba’t- ibang klaseng tiklop na makikita mo sa
notebook na may nakasulat na 1st quarter hanggang 4th quarter.
Ahhihihihi… -kababawan talaga ng kaligayahan. :))

48. Batibot
Nakaupo ka nb sa batibot?!?!? -i know this but i don’t remember where! T-T

49. Mr. Ubas
Ano, kilala mo ba si Mr. Ubas sa gate 3?? -hindi, hahaha. gate 7 na ko madalas e

50. Family Day
Sinong hindi nkapagsayaw nung family day nyo?? -STP interaction na ang evolution ng family day. student-parent-teacher, wala nang grandparent, kapatid..

51. Vandal
Ang dumi ng cr pag maraming vandal?? Nkapagsulat kb? –no

55. Bully
Nauso ang bully nung GS, lalo na pag nsa library ka, tas mkakasabay
mo mga grade 6 sila raw kc ang ngsimula.-haha. sino bang bully? ..

56. Swing
Lahat naman ata nkapagswing ng malakas sa playground at nkapaglaro ng
Marco Polo.-bawal na magswing nun :)) ang labo!

57. Slide
Ito ung semento na pababa at ang bagsak mo IMC. Pila ang pagslide
dito. Tapos tsympuhan lng kc kita to sa office. -haha natry ko na to! ang taas kaya. saya

58. Sweet Valley High
Im not into books noong gr.3, tanda ko pa na permitted na humiram ng
Sweet Valley High ang mga gr.3 marami akong klasmyt na natuwa kya
pati ako nkihiram.. kilala mo ba si Jessica? -onaman! si Elizabeth, si Todd, si Wilkins, si Lila, si Janet.. YAK hahaha 🙂 kaya i switched to roald dahl.

59. SRA (Science Research Associates)
Sino ang di nkalampas dito?? Anong color ka ngstart?
Cheat galore pa dito nuon kc answer key na kinukuha mo para lumevel
up ka agad. -daya! hindi ako nagchcheat. haha. ayos kaya to, pinapagbasa ka lang ng short stories

60. Subscriber
Naaalala mo p bang mga magazine na uso nung grade school?
May membership card ka ba ng Saranggola at Pambata? -i had both subscriptions!

61. Gospel Comics
Binabasa to every Sunday para sa lecture ng CLE. Pag nkalimutan mo,
hihiram ka sa ibang section.– haha, lagi kong nawawala yung akin.

62. Sketchers
Malamang nagsuot ka nito. -hindi

63. Mass Attendance
Dito, nid mo pa ilagay kung bakit di ka nkapag mass. Papasa ito every
Monday tas pipirmahan ng teacher mo.-ang funny ng concept. meron pa ba nito?

64. Clean and Neat
Naaalala nyo pa ba ung checklist na pinapasa every end of the month
sa p.e.?
Nkalagay dun kung araw-araw ka naliligo, nagsipilyo, nag gupit ng
kuko?? -oo! hahaha ito pa ang isang funny concept.

65. Lovers
May alam ka tungkol kela Bb. Gar.. at Bb. Cr.. nung GS, ano alam mo
ba un? Hehehe….-OMG totoo ba to? XD

66. Shoes
Nabiktima ka ba nung laganap ung pagtatago ng sapatos? – hindi

67. Guess
Nkiuso ka noon sa tatak ng medyas mo ay may Guess o kya ung logo
nilang question mark. -hindi. good girl ata ako nun

68. Sock styles
Bibili ka ng mjo mhabang medyas para may style ung pagtiklop mo..
anu style mo? -nung una tiklop tiklop, tapos sa katagalan bumili na rin ng matinong socks

69.
Stamp
tapos?



Lahat ata nkabili ng collectible stamps…

70. Gumamela
May dala kang gumamela para sa parts of the flower.. -kahit naman sa IB eh. hahaha.

71. Ms. Ach…
Malamang alam mo ang story ng pustiso nya, tama ba? Hahaha –hindi! kwento naman!

72. AVR
Masarap matulog dito lalo na pag patay ang ilaw -kaya siya ineffective tool for watching boring stuff.

73. Baranggayette
Nakaboto ka noon sa baranggeyette –oo.

74.Baby Bra
Dalaga ka na pag nagsusuot ka na ng baby bra nung gr.4 –XD

74. P.E.
GS: excited lahat pag p.e. kc isasara ung pinto ng rum tas lahat
magbibihis
HS: gnun din nung simula pinalitan nung dumami ung teacher na mga
lalaki pwede
Na magbihis sa GYM.
Tapos pag nkalimutan ang uniform hihiram sa ibang section. -tama

75. Paper bag
Pagandahan ng paper bag noon para sa uniform sa P.E. mas malaki da
better…-tama. kahit purse size ang bag mo, basta malaki paper bag mo ayos ka

76. Braids
Makikipila pag umaga sa mga magagaling magtirintas ng buhok noon.
Nung batch nmen, kadalasan si Esfel Torrecampo at Joanna Deomampo ang
laging fully booked.-haha. nauso rin to samin.

77. Pencil case
Nagakaroon ka ng pencil case na cool, mas maraming mapipindot mas
cool. -meron ako may multiplication tables. got me into trouble. haha.

78. Agawan base
Ang pinaka alam na lugar nito ay ung dalawang malaking puno sa Old
gym.
Ano may kuryente ba o wala? Ahihihihi -di ko gets tong game na to. ten twenty na lang

79. Patintero
Pwesto nito ung sa Old Gym din, halos masakop kalahati ng gym para
dito.
Pag pioneer ka, bibili ka lng sago pag lunch tas pwesto na agad sa
old gym…
May back touch ba?? -hahaha!

80. In, Out
Sa larong to halos nka upo na ang taya para lng mhuli ang paa mo.-tama, although i don’t remember na naging super popular to

81. Teddy bear
Natapos mo ba ung teddy bear mo nung HS sa THE? -hindi kami pinagawa ng teddy bear! basket, doiley, shorts, embroidery, macrame..

82. Mass
Pag mass,mataas ang tingin sa klase nyo pag sa bleachers kyo nkaupo.
Minsan pa unahan sa taas para mas marami ang mkita. Silip pa dito
pati ung mga teachers na natutulog pag homily.
Tapos papoisan pag iikot na pabalik sa upuan. Malamang sa gitna ka
dadaan kya u’ll walk with elegance. Pinagbawal rin ang pagdadala ng
pamaypay, kc pasahan na lng ng pamaypay ang nangyayari buong mass.
Tapos, pag collecton na, padamihan ng coins sa bulsa para may mbigay. -hahaha. may nahihimatay rin

83. Nitz
Pag uwian na lalo na nung GS, maririnig mo nlng ang mga
estudyante, “kita nlng sa Nitz”. Cympre may mga tambay na tlga don.-yep!

84. News paper drive
Every year ata nung GS may ganito. Pinagpapadala ang mga estudyante
ng sangkatutak na dyaryo para sa contest na to. Tapos iaannounce via
PA kung sino ang highest.-grabe, tonetoneladang diyaryo ang naaabot dito.

85. Napkin box
Safe ka pag ngcr ka at may period ka, may instant pambalot ka sa used
napkins mo dahil may mga napkin boxes bawat cubicle. Gawa ata to ng
1st year sa lumang yellow directory.tama

86. Green thumb
Nung 4th year naranasan mo ba ung magtanim ng halaman sa likod ng New
Gym? May tumubo ba? Anu ung tanim mo? -hindi kami nagtanim kasi nagtuturo ung class namin ng catechism sa Parang Elem. pero kakaaliw tingnan yung pechay.

87. Mood ring
May iba’t- iba korte ang mood ring noon, may bilog, oblong, triangle
o kya ung buong singsing ay mood. Anung mood mo?-napabili ako nito.

88. Ice Cream
Di pa uso ang Mr. Softy noon may chocolate syrup na ang ice cream sa
Isko. Pwede sa sweet cone at sa cup…-SALVADOR ice cream! missyou

89. Elephant pants
Mga taga walis ng sahig!!! Ito ung pants na npkalapad tapos may
malaking bulsa sa likod. Ang tanda ko noon sikat na bilihan nito ay
ang NEXT jeans, 6 ata kmi noon na meron nito sa batch.-haha di ko to nagustuhan

90. Calendar
Ito ung malaking kalendaryo na gawa sa blackboard para sa GS. Dito
nakasulat ung sked for da whole month. E nakatambay kb sa bakod na
tapat nito? hindi ko na maalala kung saan yung bulletin board na to

91. Bulletin board
Depende kung anung theme ang gagmitin for the month at cympre may
caption. Ito ung gingawa ng mga estudyante pag lunch sa klasrum.
Actually may permit sila. Nkalista lng ung mga gagawa sa board. Pag
kakosa mo ang mga gmgawa pinapatambay ka sa rum khit wala ka sa
listahan.-tama! lagi akong kasamang gumawa ng bulletin board. saya tumambay

92. AMANDA?!
Kilala mo ba si Amanda. Gr.5 ako noon nung dumating siya. Siya ung Am-
Girl na pumasok sa Isko na Gr.6 agad. Di ba bawal un kc graduating…
pretty naman siya at harmless pero matindi issue sknya na kesyo
binayaran niya ang skul para mkapasok. Well in fact, the school
helped her kc wala na syang mapapasukan pang skul. -oh. di ko alam. san na siya?

93. Picture City
Napansin nyo ba ang kahightechkan na ng Picture City ngayon? Dahil
ata yan sa mga kulasang walang humpay na nagpapalista para sa barkada
package. Extension un ng Isko pag last day na sa skul pag
examinations, kayo-kayo rin ang mgkikita-kita. studio pic!

94. Wallet & Pix
Saan ba tinatago ang pera, diba sa wallet?!@ Sa Isko, pictures ang
nagpapakapal ng wallet. “Pakalkal” is the term para tignan ang mga
pix na meron ka sa wallet. Pag konti lng, boring ka. May nkapag-
invest na nga ng album para lng sa pix na meron cya.-tapos iniiyakan yung pictures pag nanakaw yung wallet

95. Johnson’s and Johnson
Bago ang officers ng Admin noon, pnayagan ang SSAM na sumali sa
Cheerdance ng J and J. Pero juniors at seniors lng ang pinayagan
magrepresent. Kya todo praktis ang gusto sumali, tulad ko sa New Gym,
nagturuan pa ng mga exhibitions at nagkanda pasa-pasa ang katawan ng
malamang na DQ ang SSAM dahil nahuli sa pag paparegister. -haha. pero magaling yung naabutan kong nagpeperform nito.

96. Titanic
GS ako noon nung sumikat ang My heart will go on, na halos kinatanta
ng lahat. At ang pagpapakamatay ng mga estudyante kay Lenardo Di
Caprio. -i remember zhai singing this nung grade three.

97. Stationery
Paramihan ng stationery noon. Uso rin ung letter writing. Pag may
kasulatan ka, una mong titignan ay kung mganda ba ung ginamit na
stationery sa sulat. Uso rin ang swapping sa stationery. -gumawa ako ng stationery nun out of intermediate paper tas binenta ko piso isa. grade one.

98. Shagidee sha popo
Pag papuntang p.e., nagshashagidee shapopo ang mga estudyante
hanngang mkarating ng GYM. -haha.

99. Mga Laro nung GS
Monkey Anabelle:
Monkey monkey Anabelle
How many monkeys did you see?
[Chant remaining number of players here, then count off]
And a-rikkitikkitee and a-blue-black sheep
Is this true, yes or no {asking for answer}
Is-pell yes, y-e-s
Is-pell no, n-o
and out you go.

Langit Lupa:
Langit, lupa, impyerno
im, im, impreyno
saksak puso, tulo ang dugo
patay, buhay
alis ka na d’yan

im, im, impyerno

100. Sustagen
Sino ang di naeexcite pag dumadating sila Sussie at Geno?
mamomoroblema pa parents mo dahil sa kakulitan mo para bumili ng
Sustagen para sa mga karton, foil at mga scoops na ipapapalet mo para
sa equivalent na items. Ano di ka ba nagpapalit? -napapabili lang ako ng sustagen para makapag-exchange ng items. :))

101. LSS (Last Song Syndrome)
Mga paulit-ulit na linya sa kanta na di naman natatapos kantahin. Sa
amin noon, “i will sing forever….” -tama, tama, tama

102. Sportsfest shirt
Blue, Red, Yellow, Green..apat na kulay na mkikita mo sa sportsfest…
maswerte ka kung nkumpleto mo ang apat na kulay na yan na walang
ulit.. wala akong blue.
Alala ko pa ung pamatay na cheer ng yellow team na napasa-pasa
na: “Yellong malamig pag natunaw tubeg!!” -wala akong GREEN

103. Color Schemes
Blue, White, Black accepted nrin ang brown. Mga kulay na dapat lang
suotin pag may accessories ka. -bawal dangling earrings, bawal kung ano ano

104. Red card
Pauso pag nahuli kang nag tagalog… takte to, pamatay pag nadodoblehan
ka maglilinis ka sa uwian. ISPEK EN ENGLESH!!!! “time first” ang
sasabhin mo pag naubusan ka na ng English words… -take note, ang ‘aray’ ay tagalog din. kapag kinurot mo yung katabi mo, pwede mo na bigyan ng red card :))

105. Motto
That in all things God may be glorified. Hay… nadala ko to kahit nung
college na ako pag nagdadasal ako sa harapan… proud e!!! -ako rin!

106. Xerox
Nung GS: nauso ung pagpapaxerox ng palad pag uwian tas ipopost sa
Xerox room na may pangalan mo.
HS: mahaba ang pila pag exams kc xeroxan ng may pinaka may kumpletong
notes…-kaso ang mahal magpaphotocopy

107. Friendhip…
Lahat ng magbabarkada, may friendship bracelet, anklet, o kaya ring.
Minsan di mo na alam isusuot mo pag may nagbigay syong iba na gusto
kang mging friend.– meron ako friendship bracelet

108. Platform
GS: pupupnta ka sa harap sa platform para mgsulat ng notes. Wala ng
tao na nakaupo sa upuan, lahat nasa harapan. Pag puno na ung likod
nung nasa harapan ang ginagawang patungan.
HS: ito ang ultimate taguan ng cellfone. -talaga?? hahah

109. Spelling
GS to ipinapaimpliment. Kakabahan ka pag sinabi ng teacher mo may
spelling test ngayon. -nakakakaba naman talaga eh!

110. Log book
Sa clinic maraming ganto. Meron sa Faculty, Grade skul at High skul.
Kelangan mo mag log in at mag log out ilagay anung ailment at kung
anung gamot. Tapos may green card ka pa na ipapapirma. -puro log book!

111. Sewing kit
Nakatapos ka ba ng project na hindi nanghihiram ng gamit? May
threader ka ba? E tama ba DMC mo? -tama!

112. Kikay
Nauso noon ung pagdadala ng facial wash at pagtututbrush twing lunch
after kumain.
St. Ives ba gamit mo o Clean and Clear? Pahingi ng toothpaste..-hahaha. st scho girls.

113. Retaso
Pag kailangan ng retaso saan ka pumupunta? Di ba sa Tuazon center…. -oh? hindi ko alam

114. Body bag
Ito ung bag na ang kawit na ay sa buo mong katawan. Para siyang
backpack pero ung pinakatali niya ay pasling bag.. -nauso to

115. Kickers
Ksabayan ng Sketchers ang Kickers noon. Uso ung school shoes na
kickers noon. Siguro un kasi ung una mong makikita sa Sta. Lucia pag
pumasok sa Dept. Store nla sa shoes area. -i don’t remember the brand of my shoes

116. Jazz pants
Ang alam ko noon mga dance club lng nagsusuot nun kc sumasayad minsan
ang tuhod nila pag nagpapractice. Mabigat naman at mahirap gumalaw
para sknla pag nkapants. Pansin ko lng biglang dumami ang nagka jazz
pants noon. -sexy eh! hahaha.

117. Sexiest teacher in HS
Kilala mo ba si Mrs. Cuanang? Matagal na siya sa St. Scho, umalis tas
nag come back ulit. Teacher siya sa Biology. Iba ang teaching manner
niya, siya ung tatawag ng students o volunteer tas bibigyan ka niya
ng mga research na ang minimum ay 15 items. -di namin siya naabutan

118. OHP (Over Head Projector)
Di pa uso ung PowerPoint at minsan lang gingamit ang wide screen, OHP
pa ang gnamit noon. Mag vovolunteer ka pa na kumuha ng OHP sa AVR
kahit alam mong npakahirap tong iakyat pag nasa 2nd floor ang room mo. -tama. haha. may kilala akong nakabagsak ng OHP nun.

119. Star section
Sila ang mga purido lagi ng mga teachers… cympre cream of the crop!
Matatalino, mabibilis magsalita khit English, laging nangunguna sa
quiz bee at di nahihiya..
Nakasama kb sa kanila? -nung grade 3-5. sobrang sawaan na sa mga kaklase. hahaha. buti grade six na-scramble na.

120. Our Father
May sariling version ang Isko ng Our Father, cympre c Mrs. Yusi!! Ito
na ata ang pinakamagandang revision ng Our Father na napakinggan ko.-yep, the best.

121. Beneath my wings & Kailan
Mga kantang nkakatindig balahibo pag kinanta na ng Glee Club. Sa
sobrang ganda ng pagkakanta titignan mo pa ang harap para masilayan
ang Glee club.-miss ko na ang Glee Club ng St Scho!

122. Secret buddy
Naaalala mo pa b sino buddy mo? Ito ung sulatan na di mo nmn alam
kung sino ang sumusulat syo.. todo hulaan to lalo na sa hand-writting
kya kadalasan computerized. Mapansin mo pa na may mga buddy na
marunong tlgang mag-alaga, mguglat ka nlng may pangmyryenda ka na.
Nung una sa klasrum lng ang sulatan tapos pinalaki ni Ate Cecile, by
sections kaya haun todo sulat ang lahat pag walang ginagwa. Meron
pang mga nkikipgpalitan pa ng buddy.-haha, swerte ako sa secret buddy.

123. Umbrella
Nung mga prep days to. Uso ung pagdadala ng payong na may pito. haha. tama.

124. Abbreviations
Alam mo ang…

I- Iniibig
K- Kita
A- At
M-Minamahal
B- Bilang
I- Isang
K- Kaibigan
T- Take
C- Care
C- Coz
I- I
C- Care
J- Just
A- Always
P- Pray
A- At
N- Night

H- Holding
H- Hands
W- While
W- Walking

-YEP

125. Exams
Pinangarap mo na ang pwesto mo ay sa labas ng classroom. Kumpleto sa
gamit; stapler, pencil, eraser, liquid eraser at scratch paper pag
math.-tama! astig kaya.

126. Stoichiometry
Sino ang hindi lumampas dito? Isa sa mga topic ng chem… dpat laging
balance ang both sides… -hay naku ayoko ng chem namin nung 3rd year. yung teacher kasi eh. haha.

127. Autograph
Isa ka sa mga nakasagot ng MTM, observe me, love is blind, at mirror
please… ano tama ba ako?? -yes!

128. Ball pen
Isa ka sa mga gumamit ng Pilot at ang makukulay na My Gel at Metallic
My Gel… favorite ko Pilot. hate ko lotus.

129. Cleaners
May mga nka-assign per day kung sino ang maglilinis ng room. paunahan
pag uwian.. ilalabas ung basurahan, magwawalis, magbubunot. -ayoko nun magwalis kasi matagal.

130. Blue Heights
Ang official newspaper ng Isko.. nandito rin ung makulit na cartoon
na si koolasa..-EIC dito si jev kaya tambay tambay rin sa staff room nila.

131. Art class ni Bb. Eata
Naging teacher mo ba si Ms. Eata? kung oo, umiyak ka ng last day. Art
klas nyo tas wala kayo gagawin kundi umupo sa sahig, pumikit,
magreflect at umiyak ng sinabi ni Ms. Eata “Anung gagawin mo pag 1 
minuto nlng ang nalalabi ng mga magulang mo?”
Umiyak ka ba? -oo, tama. miss ko na si Ms Eata!

132.Signal No.2
Walang pasok pag may signal no.2 na. pero pag inabutan ka sa school
ng kalagitnaan ng bagyo. 12nn ang suspension pero 2pm kayo papauwiin… -unfair!

133. Bible
Sinong walang Bible sa locker??? Lahat meron diba.. -ayoko iuwi e, anlaki

134. Mr. Chan
Kilala nyo ba cya? Cya ung teacher sa C.L.E. mabaet at makulit.-yep. naging teacher siya ng Bernadette. 🙂 last year niya yun.

135. Reply Slip
Sa kagustuhang makapagpasa ng reply slip gagayahin mo pirma ng
magulang mo. May class no. pa nga sa bandang upper left corner. -yep!

136.Observer
Kinakabahan ang buong class pag may umuupo sa likod para mag-observe.-kasi naman nakakatakot talaga!

137. World Aids Day
May red ribbon ang lahat sa left side ng chest. -cool no?

138. Turquoise
Uso noon ang kulay na turquoise. Mapahikaw, bracelet o singsing may
turquoise kang mkikita. -oh?

139. Index Card
3×5 index card, ito ung nkadikit sa upuan ng kaharap mo. Dito
nkalagay ang sked ng class. Pagandahan pa noon. Ung iba may scotch
tape pa para iwas damage sa index. -tama! pero di ko to ginagawa kasi pagkatapos ng 5 weeks memorize mo na sked mo e

140. Linggo ng Wika
Anu suot mo noon, hulaan ko, MALONG! Nagiging Malong Festival ang
Linggo ng Wika, dahil halos lahat ng students nka malong. Un na ata
ang pinaka madali at murang masusuot mo sa okasyong ito.-malong fest! hahaha. pero nung HS, hindi ako masyadong nagmalong. GS oo, nung hindi siya popular.

141. Benetton
Naki uso ka rin ba sa pag gamit ng may tatak na Benetton? Bag, pencil
case, at kung anu-ano pa basta Benetton. -not brand conscious

142. BF candy
Namimigay si BF noon ng candy may caricature niya. Kadalasan
nagpapamudmud siya nito pag malapit na kaarawan niya. “Basura mo,
Itapon mo!” -go BF! hahaha

143. Brick Game
Di pa uso ang cellphone noon kaya brick game lng ang dala mo. Agawan
pa nga pag break pra lng mkapaglaro nito. -haha. ang ingay pa

144. Parker
May Parker ballpen ka nung HS at may nka-engrave pa na pangalan mo.-yep

145. Sportcenter
Ito ang extention ng Isko pag may mga presentation at banned ang
activities sa campus. -yep!

146. Field Trip
Nasa likuran lahat ng magugulo sa klase.. nasa harapan naman ang may
hawak ng medicine kit. E panu pag may nangyari sa likod ang layo ng
medicine kit, suggest ko lng dapat nasa gitna para fair sa aming nasa
likod. Hahaha!! -dalawang beses lang nagfield trip nung HS hahaha.

147. Rosary
Lahat ng Scholastican’ s may rosary sa bulsa o sa bag. -tama

148. Flowers
Pag Sept.8 marami ang nagtitinda ng bulaklak sa Gate 3, birthday kc
ni Mama Mary.
Bibili ka panigurado, kc lahat ng may bulaklak aakyat ng stage. -sobrang haba pa ng pila

149. Longkatuts
Ano ba ito? Sabi ng iba short cut ng katulong… edi lahat pla tyo
longkatuts, marami nagsasabi mukang pang katulong uniform natin.. -HAHAHA.

150. Text Notebook
Wala pang MIRC at YM noon, may text notebook na ang mga kulasa. Ito
ung notebook na pasa-pasa at maglalagay ka ng commet. Cympre ilalagay
mo pangalan mo sa unahan, parang chat na rin. -tama, sinaunang chat. 2nd year ata.

151. Shark-sharkan
Ito ung laro sa playground. Ung taya “shark” e nasa labas nung isang
laruan dun na umuugoy-ugoy pag tinulak ng paa. Mas marami mas masaya,
kasi pag nagkatulakan marami ang malalaglag at maaout. Pahirapan
naman sa shark pag magaling ka, nakauwi na lahat ng kalaro mo kayo
naghuhulihan pa.-di ko to maalala.

152. Armak
Nakagamit ka ba ng tape nun na Armak? Ung tinutukoy ko ay ung tape na
naka ready na, putol na. 5 lang ito sa canteen. May space lng cya sa
gilid tas hihilahin mo nlng cya. -yep, nakagamit na ko nito

153. Quiz envelope
Lahat ng subject ata required sa envelope. Dito nakalagay ung mga
quizzes tas may nkadikit na papel sa labas kc dun nka-tally ung grade
mo.. pag kulang ka, minus na agad. – lagi akong may kulang haha.

154. Locker
Nagkalocker ka ba noon? May kapartner ka? Ilan kayo?
Ako noon, tatlo ata kami. -ako dalawa lang kami

155. Walking in Spirit
“Im walking, walking in the spirit….” Naaalala mo pa ba itong linyang
ito?
Isa ka sa mga kumanta nito pag mass. Kilala mo pa ba si SISTER BERNA? -OO! This is one of the most memorable songs nun. hey, hey,hey!

156. Hingalangin
Para sa mga kulasang lower batch namin, marunong ba kyo ng tamang
hingalangin? E kilala niyo ba kung sino ang founder niyan sa SSAM,
kilalanin niyo muna si SISTER IMAYA. -the last time i checked, meron pa rin. haha! baka tomorrow makakahingalangin ako!

157. P.E. Jazz Dance
Jazz hands… ahahaha…. isa ka sa sumayaw sa tugtug nung jazz
practical test na O’ne sia mera plus jamais…-favorite ko to sa PE. 2nd year dance

May naaalala ka ba sa mga ito? Kulang pa ang mga alaalang naisulat ko
dito ngayon. Siguro marami pa kayong naiisip na iba. Lahat tayo ang
may iba’t ibang karanasan sa Santa Eskolastika, may iba’t ibang
tinambayan, may kanya-kanyang pamamaraan ng pagkopya sa exam, mga
kaibigan na akala mo hindi mo makakasundo pero kayo rin pala ang
magiging matalik na kaibigan, ang mga barkada mong lagi mong kasama,
mga pagkain na kihahiligan tuwing lunch at mga teacher na
napagtripan. Kung iisipin halos 10 taon tayong nag-aaral para lang
may matutunan. 10 taon tayong pinagpapakahirapan ng ating mga
magulang para makatapos. 10 taon na ang naging pangalawang tahanan
natin ay ang Santa Eskolastika.
Sana wag tayong makalimot sa mga gawi na itinuro ng institusyon.

Ito HALOS lahat ang mga pinagdaanan ng batch naming mula Prep
hanggang HS. Kami nga pala ang PINAKAHULING batch ng nakaranas ng
TRADISYONAL na Gawain sa SSAM. After ng graduation namin iba na ang
namuno kaya nag-iba narin ang pamamalakad. Kami ang huling batch na
may pinakamahigpit na namumuno at kami naman ang pinakadisiplinado at
mapagkumbabang estudyante. Pero lahat naman ng pagbabago ay may
magandang naidudulot. Mas naging kilala ang SSAM. Mas naging
mapaglikha o creative ang mga estudyante ng SSAM. At gumanda rin ang
kapaligiran ng institusyon.
At sana ay maging active din tayong lahat na SCHOLASTICANS sa
pagiging ALUMNI ng St. Scholastica’ s Academy of Marikina.

Ramille Maria “mayer” Dela Paz
©2007 KULASA KA KUNG ALAM MO TO!!

Please don’t spoil, just pass….

I object! Kami yung huling huling batch na na-under kay Sr. Maglalang. Haha. Mabait rin kami.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s