Reminiscing

Think back to your first year in college. Let’s see how much you remember and how much you regret. (galing kay eejay na kinuha niya from vica. ahaha!)

*What section were u?
Hindi section nun eh.. block! Block M-3! Handled ng ABM nun. Pareparehong under kay Sir Emoy sa Geol11 at kay M’Mia sa Math 17. 🙂

*Who were your seatmates?
Usually si Roni 😛 Kaya lagi kaming napagkakamalang magkamukha. Pareho ba namang may salamin, mahaba ang hair, at Diesel na bag? XD

*Still remember your english teacher?
(Teka lang ah, check ko sa CRS hahaha…) Eng 1 – Concepcion, Eng 10 – Calderon

*What was your first class?
Nung 1st sem: Geol 11 pag MTh, PE 2 Social Dance pag TF. Nung 2nd sem: Envi Sci 1 pag MTh, English 10 pag TF. 

*Who was your crush back then?
Naku, parang nakawala sa kumbento ng SSAM.. dumami e! 🙂 Hindi simultaneously, pa-isa isa lang.

[Reaction ni jb: “hindi mo naman sinagot eh”]

Haha! Fine. Uhm.. Sige, there were FOUR pero secret na lang kung sino sino sila.

*Made friends to the higher years?
Onaman. Hindi raw ako halatang freshie e. 😀 I remember Kuya Jayson (RA sa floor nina Aidz), mga classmate sa GE subjects, and my orgmates sa DanceSport.

*Had a boyfriend/girlfriend?
First year? Wala pa 😉

*How was your class schedule?
Wow. Andami kong 1.5 hour breaks. Kakainis kasi napapagastos ako sa food (!) tapos wala pa kong mapuntahan kasi wala namang tambayan ang mga orgs sa CHK. Ngayon miss ko na ang mahahabang breaks.

*Made any enemies?
Meron ba? Haha! Si Roni lagi kong kaaway. 😀 Lagi ko kasing kasama nun e! Kopyahin ba naman schedules ko for the first and second sem.

*Who was your favorite teacher(s)?
Sir Emoy, na nagsabing walang social life ang nagiINTARMED, Ma’am A, my dear PE teacher and org adviser, Sir Acy Yago, Mr. ChemBoard Topnotcher, Sir Castronuevo na may kahawig na batchmate.

*What sport did you play?
DanceSport 😀 (karir days pa nun. I’d come home 2-3x a week no later than 9pm)

*Back then, do you always buy your lunch?
Yep. Nagsawa na sa kakabaon nung high school. It was heaven! Hahaha. Ang daming kainan sa UP e, pero pag bio senior na, parang CASAA na ang mundo. Pansin niyo ba yun? Kung hindi CASAA… Chateau Verde! XD hahaha joke lang. Ang sosyal naman.

*Were you a party animal?
Hindi. Na-shock ako nung freshie concert, may mga nang-gatecrash na JJs* sa event. Akala ko magugunaw na yung Bahay ng Alumni.

*JJ – jumping jologs

*Were you well known in your school?
Hindi. Kapag nagpeperform lang yung DanceSport sa mga events events ako nagpapakita sa madla. Haha! Joke lang. Most well-known moment siguro nung nag-trip ako nung event sa Bahay ng Alumni tapos nasabunutan ko si Ate Cha before our salsa performance. Sorry!

*Skip classes?
Never! Kahit ngayon.

*Did you get suspended/expelled?
Anong klaseng tanong to?

*Can you sing the alma mater?
Tulad ng sabi ni Eejay, ang pagkanta ko “UP naming mahal, pamantasang hirang.. hmmm hmm hmm hmm hmm.. [pagdating sa bandang huli] pag-asa ng bayan..” Di ko pa nga natry ipunch yung fist ko sa air sa part na yun e!

*What was your favorite subject?
Strangely enough, Philo 11. Daling dali ako sa subject na yun, parang elementary math. Pero beyond that, dun ko na-meet si Sobs, ang notorious na D.O.M.ish prof sa PH 420! Kung pupunta kayo dun, punong puno ng vandal yung mga chairs sa likod, puro tungkol sa kanya. Weirdness talaga. This was my blog entry nung July 20 2005

Logic

Recent Grafitti seen on my chair, AS 420:

PANGKULAY SA BUHOK JOY KALAMANSI KAYA GREEN

Come to think about it, greenish nga ang kulay ng buhok niya kapag nakatapat sa nakakabulag na fluorescent lights ng AS 420. Pero parang imposible namang dishwashing liquid ang ginagamit na pang shine ng kanyang silvery hair. Hindi masasabing attractive ang kanyang itsura, mainly because matanda na siya’t laging pinagpapawisan pagdating sa classroom. Siguro nagaaerobics. haha

PANGHUGAS SA PLATONG MASEBO

Kawawa ka sa klase niya kapag lalaki ka. Sa mahigit kumulang apat na buwan na pagdidiscuss ng symbolic logic sa inyong classroom, never ka niyang tatawagin for recitation (kung lalaki ka). At hindi ibig sabihing masaya ang buhay mo kapag babae ka sa klase niya. Siguradong every lesson may recitation point ka, sa ayaw mo’t sa gusto. Kung magandang babae ka, mas malas ka. Wala kang magagawa kundi sagutin ang bawat tanong na ibabato sa iyo every 10 minutes.

KAMUKHA NI MICHAEL V (GURANG NGA LANG)

Masaya talaga ang assistant prof na ito. Ang unang-unang joke niya sa klase, hindi halatang joke. Walang natawa dahil walang naka-get. haha That must have been embarassing. Wala nga palang tatalo sa kanya sa pamimilosopo. Kapag di namin malaman ang sagot sa tanong niya, mamimilosopo siya.

Hindi na rin ako magtataka kung bakit notorious ang pangalan niya sa cssp.

*What is your school’s full name?                                                                                  University of the Philippines – Diliman (Campus?)

*Where did you go most often during breaks?
Kung saan may food. 🙂 Haha.. Food-o-taxis 😛

*If you could go back in time and do it all over, would you?
Sure! Hahaha!

*What do you remember most about 1st yr?
“Para kang nakalabas sa lungga!” – Ate Tin. Neh, haha. It was the start of rediscovering myself as a person. Malay ko bang mahilig ako mag-internet, mag-blog, sumayaw, gumala-gala, at makidaldal? 🙂 Go UP!


Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s