Bakit kaya hindi nangungumpisal ang PI 100 prof ko?

Para sa mga hindi nakakaalam, ang PI 100 ay isang required subject. Rizal, Rizal, Rizal.

Huling chapter ng Rizal: Life, Works and Writings by Zaide ang  nireport kahapon pagkatapos ng recitation naming lahat ng 

Where are the youth who will consecrate their  golden hours,
their illusions, and their enthusiasm to the welfare of their native land?
Where are the youth who will generously pour out their blood
to wash away so much shame, so much crime, so much abomination?
Pure and spotless must the victim be that the sacrifice may be acceptable!
Where are you, youth, who will embody in yourselves
the vigor of life that has left our veins,
the purity of ideas that has been contaminated in our brains,
the fire of enthusiasm that has been quenched in our hearts?
We await you, o youth! Come, for we await you!

Hahaha (galing yan sa El Fili) isa-isa kaming pina-recite niyan sa harap ng klase. Actually pangalawa na yan sa pinamemorize niya. Yung una yung dedication ni Rizal sa GomBurZa sa El Fili.

Bumalik tayo sa main topic. Malamang, ang last chapter ang nagkukuwento ng mga huling sandali ni Rizal sa mundo. Daig pa ang The Buzz dahil magaling si Zaide (pro-Rizal talaga..) magdocument ng buhay niya. From Dec 29 1896 ng umaga hanggang Dec 30 1896 (7:03 am) isinalaysay niya ang kung anong ginawa ni Rizal bawat oras, kung sino bumisita sa kanya, kung ilang beses siya nangumpisal.. ganoon kadetalye. Wow.

Pagkatapos iulat ng kaklase ko, (as usual) isusummarize ni Señor ang chapter. At dahil tulad din ako ng kahit sinong Pinoy na mahilig sa trivia, natawa naman kaming lahat ng kinuwento ni Señor ito..

(sa pagkakaalala ko ..)

Grabe naman si Rizal, apat na beses nangumpisal sa isang araw, andami niya sigurong kasalanan.. (TAWA lahat).. ako nga dalawang beses lang nakapag-confession sa buong buhay ko.. isa noong communion at isa noong college.. di naman ako nagkakasala eh

(tawanan ulit)

[paypay si Señor]

“… In other books about Rizal, it was said that while Josephine visited Rizal in his cell (around 5 am Dec 30), they got married.. So we can say that Rizal was able to get back on the side of the Church.. During that visit, it was also mentioned in some books that Rizal whispered something to Josephine and Josephine said (puts pamaypay over his mouth):

Oh, it’s impossible to do it here!

As a researcher, I have my own theories about what Rizal whispered to Josephine.. (tawa lahat..) Of course it’s not there in black and white..  You? Do you have any theories? (points to a student in the back)

STUDENT: “Uh.. sir… (tawa lahat..) honeymoon?” [almost all of our green minds thought this way.. aminin]

(tawanan pa rin..)

“Ok.. Well, it may have been possible.. however I have my own theory.. as a researcher, my theory is that what Rizal uttered to Josephine that made her say

Oh, it’s impossible to do it here!

is

Makakatakas pa kaya ako?

CLASS: Aaaah.. Oo nga no.. (tawanan ulit)

“Sabi ko sa inyo class eh, hindi ako nagkakasala.”

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s