Jollitown!

Alam niyo ba na binago na ng Jollibee ang kanilang mascot lineup? Lima na lang sila! Wala na sina Champ at Chickie. Hmm bakit kaya? Siguro masyado nilang kamukha yung mga food na nirerepresent nila (lalo na si Chickie. hehe.) Theory lang naman yun.

Natira sina Yum, Hetty, Jollibee, Twirlie, and Popo. At siyempre upang bumagay sa panahon ngayon, binigyan sila lahat ng makeover! Sosyal!

  • Yum – NOON: Naka-suit pa siya at may hat na gawa sa burger. Mr Yum ang buong pangalan. NGAYON: Space age ata ang dating ng damit nya at medyo bumata ang itsura. Wala na ang “Mr” sa pangalan nya.. At yung hat niya naging cap na lang, pero hindi na masyadong halatang burger.
  • Hetty – NOON: Sobrang laki ng ulo tapos dahil nga spaghetti ang nirerepresent nya, may spaghetti sauce pa talaga sa ulo niya na made up of spaghetti pasta. NGAYON: Wala na ang sauce dahil perky cheerleader na siya!
  • Jollibee – Walang masyadong nagbago pero feel ko pumayat siya sa may abdomen part.. Hindi pa rin siya totoong insect though. haha
  • Twirlie – NOON: Literal na may vanilla sundae with choco syrup sa ulo nya (complete with the baso). Sweet, naka-pigtails. NGAYON: Bongga! Siya ang singer sa grupo. Upgraded ang star quality with the streaked hair (with the signature twirl pa rin pero wala nang baso) and shiny shimmering splendid clothes. Britney?
  • Popo – NOON: Mukhang siya yung pinakabata kasi naka-overalls pa siya. Katulad nina Twirlie and Hetty, meron din siyang pagkain sa ulo (French fries, kasama pa yung lalagyan). NGAYON: Kumbaga sa Spice Girls, siya na si Sporty. Naka-athletic attire and visor sa ulo dahil inalis na ang lalagyan ng fries. Cute pa rin ng hair.

Of course the most shocking change of all, nagsasalita na sila! WHOA.. English pa nga minsan eh. Hehehe at alam niyo ba na makikita mo na silang lahat sa bagong bagong kiddie show sa local TV? Ang Jollitown! Yey. 9:30-10 am every Sunday sa Kapuso Network. Iba talaga ang Jollibee. We watched the pilot episode kanina and it was good. Maeenjoy ng mga bata.

(At bakit ko alam to? Haha. One of my parents works there. Kaya forgive me, friends, for being biased. Pwede naman ako magMcDo basta maconvince niyo ko :P)

Onga pala, here’s a video I got from YouTube featuring the Jollitown Cast during their launch sa Rockwell Tent. Hehe. Relive your kiddie memories, everyone. Grabe ang galing nila sumayaw kahit na ang bibigat ng costume. haha

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s