Kwentong Bio Major

Okay, so inuwi ko si Glenn (cat namin ni Rich) nung Wednesday diba? Kinuha ko sa cat locker si Glenn mga noontime tapos meet-up kay jb sa may AS 101. Pagkakita niya sa sako ayaw hawakan kasi alam niya na may pusa sa loob. haha. Pero binuhat din niya kasi mabait siya. Haha

May pinuntahan pa kami ni jb sa may as-fc.. basta dun. Tapos may dinaanan pa palang readings si jb sa mainlib kaya siyempre sumama ako. Pagdating sa Package Counter sa lib..

Ako: (abot ang bag at sako with cat) Kuya, pakiingatan yung sako ah
Kuya Package Counter: (kuha ng bag at sako) Bakit ano bang andito?
Ako: Ah, eh, wag niyo na po alamin haha
Kuya Package Counter: ??
Ako: Ilayo niyo na lang po sa ibang bag para okay.
Kuya Package Counter: Sige na nga..

Nakailang minuto din kami sa Filipiniana section kasi mahaba yung pinaphotocopy na “Indolence of the Filipino People” for p.i. ni jb. Nagbasa na lang ako ng mga nakapost na articles sa tabi ng photocopying machine ni Lola Remy (so yun pala ang pangalan niya). Pagkabalik sa Package Counter..

Ako: (abot ng tag) Kuya kunin ko na po yung sako
Kuya Package Counter: (abot ng bag at sako) Ano to, pusa?!

[Grabe ang lakas ng boses niya ah. Rinig ng ibang nagdedeposit ng bag]

Ako: Uhm, haha opo

Ako: Tiningnan niyo po talaga?
Kuya Package Counter: Hindi, kinapa ko lang yung taas, parang may buntot.
Ako: Ah, kuya paa yun, wala pong buntot yan.

[walks outside]

Manong Guard: Pusa nga yan?
Ako: Haha opo

{Kung may pagkaparanoid ka sa mga gamit mo I suggest pag pumunta ka ng mainlib be cautious kasi pag na-curious sila kakapain pala nila mga gamit mo no?}

So Wednesday nga yun diba. That night nagdissect ako ng Pheretima (earthworm) at pusa magdamag (well, not really). Nasa labas ako ng bahay kasi kawawa naman yung pamilya ko kapag nabiktima sila ng formalin + lysol + ethanol fumes. Pinicturan pa nga ako ni dad eh. Nyahaha proud daw.

»FAST FORWARD TO KAHAPON»

So pumunta ulit kaming mainlib kasi gusto ko magWifi. Dala ko lang laptop (tsaka si jb. :P). Ayun, surf surf hanggang palayasin na kami ng library staff. Paglabas namin

jb: Haha narinig mo ba yung dude sa may bag?
Ako: Hindi bakit?
jb: Sabi nila ng guard, “Meow.”

XD

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s