For Easier Integration

Partial Fractions
(i-click na lamang ang larawan upang mas makita nang maayos)

Apat na araw na akong pumapasok sa Math 54 class ko. Sa apat na araw na iyon, dalawampu’t dalawang pahina na ng aking kwaderno ang nasulatan. Hindi biro ang numerong ito sapagkat kasinlaki ng bond paper ang bawat pahina ng math notebook ko. Ibig sabihin, mahigit kumulang limang pahina ang nasusulatan ko bawat meeting na tumatagal ng tatlong oras at labinlimang minuto. Haha!

Hindi ko akalain na sa unang pagkakataon ay naging maayos ang aking sulat-kamay sa math. Madalas ay napupuno ng bura at maraming solutions ang notebook ko at nagmumukhang scratch paper na ako lamang ang nakakaintindi. Ang pagbabago bang ito’y may ipinahihiwatig?

Ang alam ko lang, malaki ang pagkakaiba ng nauna kong math classes kaysa dito. Sinasabi nilang ito na ang pinakamahirap sa math 50 series, at naniniwala ako roon kahit na hindi ko kukunin ang math 55. Pinagtagpi-tagping mga mahihirap na topics ang nasasakop ng subject na ito at talagang kailangang mag-isip nang abstract, ayon kay Sir Manjo.

Isa sa napakaraming “Case n” sa notebook ko.
(i-click na lamang ang larawan upang mas makita nang maayos)

At si Sir Manjo.. haha.. sabi ni Troy na baka kasama siya sa tinaguriang “Power Five” ng Math Department – ang limang pinakamahuhusay na batang instructor ng math. (Meron din daw kasing “Voltes Five” – ang limang pinakamahuhusay na matandang instructor naman ang bumubuo rito.) Totoo man iyon o hindi, bilib pa rin ako sa estilo niya sa pagturo.

Strikto siya pero kalog. Strikto dahil dalawang beses niyang kinukuha ang attendance sa isang meeting at naiinis siya sa mga latecomer. Strikto dahil ayaw niya ng shortcut sa exam. Strikto dahil naiirita siya sa tunog ng cellphone. At napakastrikto niya dahil nagbibigay siya ng quiz sa mismong oras ng break namin. Sa kabilang dako, kalog siya dahil nakakatawa talaga ang mga hirit nya, pati na rin ang paminsan minsan niyang pagpiyok na parang isang nagbibinatang tao.

Kalog din siya dahil siya mismo ay tinatamad rin minsang magsolve at mahilig sa shortcut. Kalog talaga siya dahil siya lang yata ang may lakas ng loob na gumamit ng acronym na “manjologs” sa handout ng partial fractions. Kalog siya kahit naiirita siya sa tunog ng cellphone. Kalog na kalog siya dahil kahit break time namin ang ginagamit na time para sa mga quiz, ang mga quiz na ito ay open notes (opo, open notes) at ang mga pinapasagutan niya sa quiz ay binigay na niyang homework noong nakaraang araw. At kahit na minsang naiisip namin ni Nina na oo nga, baka bading ito, hindi maikakailang siya ang isa sa pinakamatalinong instructor na nakasalamuha ko’t napakaganda ng sulat-kamay.

Tila tama nga ang aking desisyon na i-summer ang Elementary Analysis II. 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s