Parting Words?

Ang bilis ng panahon ano?

Parang kailan lang, kakagraduate pa lang natin sa St Scho.. hindi pa alam kung ano ang tatahaking landas sa kolehiyo. Noon ayaw ko pa talagang umalis sa paaralang kinalakihan ko na ng higit sampung taon. Grabe. Pagkalipas ng isang taon, ibang-iba na ang pagtingin ko sa mundo.

Hindi ko masasabing nag-“mature” ako (darn, ayokong ginagamit ang salitang ito) dahil hindi ko alam ang ibig sabihin nun. Kung ang pagmamature ay nasusukat sa lalong pagiging seryoso ng isang tao sa kanyang buhay, malamang na kahit kailan ay di pa ko nagmature. Sa katunayan, mas naging maingay ako sa peyups. Hindi ko akalaing makakasalamuha ko sa unibersidad na ito ang mga taong kasingbangag, kasingkulit, at kasing-‘wavelength’ ko. Haha! At tunay na sa isang taong paglagi ko rito’y mas marami pa akong natutunan ukol sa buhay.

Lumaki ang mundo ko.

Salamat sa mga taong nakasalamuha ko simula ng pagtungtong ko sa UP (sana nandito kayo lahat): Roni, Polo, Fitus, Annie, Nina, Bet, Troy, Aidz, Brett, Al, Brian, Euni, JK, Marvin, Rich, Monica, Mon, Eric, Abbie, Owen, Erin, Gem, Ate Tin, Carl, Darryl, Paeng, Glacialle, Steve, Ate Joan, Ate Eden, Romeo, Kenneth, Bench Guy, Vana, Mae, Nats, AJ, Adrian, Jerome, Kirsten, Gwen, Ate Kakay, Taro, Jan, Ate Vilma, Eugene, Raisa, Mark, Joshua, Gern, Dani, Franco, Scott, Jolu, Joan, Ate Mara, Ate Lady, Ate Mel, Ate Mean, Kuya Emil, Kuya Benz, Kuya Tristan, Clark, Josh, Ate Zarah, Ate Nakaye, Kuya JM, Kuya Jaypee, JB, Ate Cha, Paolo, Janet, Ryan, Jun, Don Pedro, Marisol, Anne, Ate Motch, Macky, “Jose”, Sir Emoy, Ma’am Mia, Ms Concepcion, Ma’am A, Ms Trina, Mr Sobs, Sir Acy, Mam Serrano, Sir Castronuevo, Ma’am Calderon, Ms Ocampo, Doc de Jesus, … I’m so lucky to have met you all.

———

We’re going to Davao today!! 1 03 am na and our flight (Cebu Pacific) is at 4 am. Hwooh! Mga five days siguro kami dun. 😀 I’m so happy. We’ve been out of the country already but I’ve never been to Mindanao. Finally I get to go to Roni’s hometown (her planet where plastic is cellophane and cellophane is water cellophane).

I’ll promise to take as many pictures as I can 😀 Text text lang ha?? Wag niyo kong kalimutan… Kasi baka di ako makaaccess ng internet dhil maraming gagawin. ;P

———

Random Thought: What does it mean when you dream about a person who eventually dreams about you too? Hmmm. Interesting.

———

Survey!!! Copy and paste niyo to as a comment para malibang naman kayo.. Hehe. Pasensya kung choppy ang mga tanong kasi galing lang sa text message to eh.

  1. First Impression niyo sakin?
  2. Gusto mo sakin?
  3. Ayaw mo sakin?
  4. Sino ako sayo?
  5. Gustong sabihin sakin?
  6. Gustong itanong sakin?
  7. Gustong aminin sakin?
  8. Kung kakantahan mo ko, anong kanta?

So far, ang mga sinagot ng mga tnext ko:

  1. First Impression niyo sakin? kulet, nerdy, d approachable, matalino, quiet, genius, wala
  2. Gusto mo sakin? cool, kalog, approachable pala, mabait, super smart, galing sumayaw, masaya kausap, true friend, i like the way u react to me. someone said we have a sort of chemistry going on.
  3. Ayaw mo sakin? tawa ng tawa, wala (4), aning!, yng pagging moody m sometyms (nkakahawa e)
  4. Sino ako sayo? friend (7), batchmate, ktxt, blockmate,
  5. Gustong sabihin sakin? u cn do it! nanonood ako ng moments of love., thank you=P (3), hope we be clasm8s again!, remember to breathe, everything will be ok.
  6. Gustong itanong sakin? kau nb? gusto mo manood? m.U b kau ni __? noh kya gngawa m ngaun? kelan ko pwede ibigay invitation m sa debut ko? uhm, kau b ult? can u answer these questions if i ask them to you?
  7. Gustong aminin sakin? GALING MO TALAGA MAGSALSA! idol! naiiyak ako ngayon sa moments of love, wala (2) miss ko na ung m3 moments ntn sa caf b4 magmath17, dati aqng bugaw! haha, as of now wala but i’ll let u know asap if there is!
  8. Kung kakantahan mo ko, anong kanta? mga songs ntn.., moments of love, thanks to you, torete (^_^), can’t take my eyes off of you.. hehe pangswing!, d jubilee song! hehe, thank u ni dido, cguro ung “the places you have come to fear the most” u said u dnt know me that much nd this song is a big chunk of me,..

Wah.. ang kulit ng mga tao no? hehe. I’ll reply to your comments, don’t worry. gagawan ko rin kau nyan!

————-

Last exam day ko na ngayon, ang Math53 finals. Medyo nahirapan ako.. kaya medyo bangag na rin ako pagkatapos ng exam. Akalain mo yun, di pa ko nakakalabas ng classroom, alam ko ng may dalawa kong items (6 +5 pts) na mali.. Wah! I hope I get a decent grade. Sir Don…

I was hoping na magkakaron ng part two ang bonding activity namin nina Roni, Aidz, Darryl, Mae, Jevic, at ako.. pero di natuloy kasi 1) si Aidz kelangan imeet ung mum niya 2)tinatamad si Roni 3)may pupuntahan pa si Jevic sa may Cubao afterwards ..4)etc.etc. Okay na rin skin kasi tinatamad na rin ako (not to mention traumatized pa ko sa exam). Napagkasunduan naming magJollibee na lang sa Katips bago maghiwahiwalay (huhu).

From MB, naglakad kami hanggang FC. Lumakas ang napakaunexpected na ulan. Between the six of us, dalawa lang ang may payong. Kmusta naman??? Tapos inokray pa nina Aidz at Darryl ang payong kong defective. Alam ko namang defective siya pero hello! haha. Ginamit pa rin nila ung payong ko habang nakishare ako kina Mae, Roni, at Jevs sa isang payong.

Nilibre kami ni Roni ng aming ultimate favorite (kahit umuulan): Ice Craze Coffee Jelly Special! Haba ng name.. hehe. May ice cream pa sa ibabaw kaya super delectable. Napahaba tuloy ang usapan.:D

4 na kami umalis ng Jollibee.. Kelangan na talagang imeet ni Aidz ang mum niya. Habang siya’y pabalik ng UP, the rest of us walked hanggang dun sa may tulay. Sumama na si Jevs dun sa mga kaklase nya sa Espanyol. Si Roni, sumakay ng Junction. Kami nina Darryl at Mae, sumakay ng Montalban. Pagdating sa Concepcion, bumaba na kami ni Mae: siya papuntang Modesta, at ako naman sa Ponte Verde.

What a wonderful day it has been..

————

The newest members of UP Dancesport 😀

————

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s