Idle status

It’s Wednesday again! Wala na namang gagawin kundi tumambay dito sa bahay. 😀 I’m not complaining! Ang saya kya! Someday hahanaphanapin ko rin ang pagiging couch potato.

Hehehe..

Grabe! It’s already mid-February at malapit ng magtapos ang schoolyear. It’s quite amazing kasi I’m almost over one year of college life. And I must say na marami na ring nagbago for the past 10 months..

reminiscing.. here’s my blog entry last 4th of July, 2005:

Vinzons

mga bagong natutunan sa araw na itow:

1. huwag magsandals/stepins sa ulan.
2. tsinecheck lang ng instructor sa math 17 ang attendance pag pauwi na. (yey!)
3. okey lang ang kahit anong high-heeled na sapatos para sa soc’l dance exams
4. mag-check lagi ng email
5. laging magdala ng mga 25 cents para sa toki at ikot (holdap! dati 5 ngaun 6.50 na)
6. wala pa ring tatalo sa libre

😀

Hahaha.. I remember typing this entry sa friendster. Back then, nag – iinternet ako sa likod ng Vinzons (hence the title) for only three things: check ng email, bisitahin ang yahoogroups, at mag update ng friendster (baguhan pa lang ako nun, as in). Ang cellphone ko, yung 2110 pa. Wala pa kong interes sa mp3 at blogging at ballroom dancing. Culture shock pa rin ang naramdaman ko at napangunahan pa ng trauma sa Math 17 (looking back, .. madali lng ang Math 17.. overrated lang talaga ang subject na to). Pero nandito pa rin talaga ang kakuriputan ko (nyahaha) at nagkakataong nakasandals ako lgi pag umuulan. X_x

I’ve learned more important things since then.

17th of October, 2005 from “Sembreak Blues”:

Hm.. Ano kayang mangyayari sa akin ten years from now? Malamang (uh.. wait lang…) twenty six years old na ako! Naku, ang tanda ko na nun pala. Hopefully nasa medical profession na ako (naks.). Gusto kong magtrabaho sa magandang ospital. Medical City? St. Luke’s? Wahehe. Basta ayokong maging nurse! Or magtrabaho sa ibang bansa. Ayoko..

Ten years from now… gusto ko may sarili na akong place dito sa Manila. Maghahanap ako ng magandang apartment: roomy, well-ventilated, well-lighted, tsaka may laundry service. hehe. Sana lang may pambayad ako ng rent by that time. O well. Sana may car na rin ako by that time… maliit lang okey na sakin. Tulad ng Honda City na light blue..kaso malamang naphase-out na yun in ten years.

Ten years from now… (abah, speech ba ito?!) gusto ko may mga pamangkin na ako. Hmm.. thirty plus pa lang ang ate ko at fresh out of college pa lang ang kapatid ko in ten years. Whatever! Basta gusto ko ng pamangkin. Malamang kasi wala pa akong sariling pamilya by that time no. I have to focus on my job. wahehehe. Lovelife? Hm… Let’s wait and see. Que sera sera.

This entry I made while hanging out at my dad’s office (dating office.. iba na ngayon eh). Dito (sa office) ko naranasan ang saya ng broadband internet! Libre.. tas mabilis.. hehe. I remember staring into space while thinking of topics to write about. I’m not a good writer. Hehe.

I’m still dreaming of those in the future. Nagbago na lang siguro ung dream car ko.. naphase out na talaga ang Honda City at napalitan na ng Honda City I.. na sobrang di ko gusto kasi.. bilog ung taillights. Argh!! Round taillights are one of my (irrational) pet peeves, some of which include: smoking, elitist people, weird accents, green hairgel, nagpapaobvious na pagpPDA, Hale, Kristine Hermosa, apathy..

I realize I have my drama moments too.. like this entry I made a few days before my birthday.

5th of December, 2005, from my blog entry entitled “numb”:


Nakakafrustrate pala when you realize you’ve done something you thought was okay then pero ireregret mo after some time. Tama nga ang sinasabi nila na you only realize the true value of something once you’ve lost it. And it hurts when you know there’s no chance of getting it back. You feel hopeless and shattered, and the regret you feel will linger until time helps you forget.

Regrets, but..

What’s the matter of wanting something more?

Up to now I haven’t answered this question. I’m still a stubborn person deep inside. And sometimes it’s through stubbornness that you could get what you want. Nyahaha. Natatawa ako sa kadramahan ng entry na to!

Ang kulit kulit no?

Haha.

Belated Happy Valentine’s everyone 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s